Chapter Twenty Nine

53.2K 1.4K 158
                                    

Two out of six updates!

Chapter Twenty Nine

Present

Nonchalant

No, I didn't say yes! Hindi pa nga niya naaayos yung kay Lizzie, nag-aaya na siyang magpakasal. Utang na loob, nababaliw na talaga siya. Hindi ko naman ineexpect na ang assurance na gusto niya, pakasalan ko siya.

Marami pa akong pangarap. Hindi pa nga ako nakakabawi sa mga magulang ko at hindi ko pa sila natutulungan. Stable na si Apa, fine, but I didn't want to depend on him. I wanted to focus on my dreams first. Hindi ko pa nga mapagawan pamilya ko ng sariling bahay sa Manila.

"Love?" he called. Kakalabas lang namin sa Coffee Bean at naglalakad na kami papuntang hospital.

I stopped walking, covering my right ear. Hindi ko kayang takpan yung isa dahil may hawak akong cappuccino. "No, Apa. Stop. No no no. Hell, no! Can you stop?!"

He chuckled, raising both of his hands. "Okay, mabilis naman akong kausap. Mamaya na lang kita tatanungin."

I scowled. "Wala kang itatanong mamaya. Wala kang itatanong bukas!" I groaned and walked away, but he followed me right away and wrapped his left arm around me.

Tumatawa pa rin siya. "Okay, sa isang araw na lang!"

I rolled my eyes. Inalis ko kamay niya sa akin at binilisan lakad ko. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya at pinagtatawanan lang niya ako. Ang saya saya niya, grabe. Kung alam niyo lang!

Halos isang buwan na ang nakaraan pagkatapos niya akong gulatin sa kasal spiel niya. Kaya pala nagsspeech ng sobra dahil may balak magtanong. Halos isang buwan na, pero kinukulit niya pa rin ako sa pagpapakasal na yan.

Isang beses nga, habang nanonood kami ng movie sa unit niya, bigla siyang naniniko. "Come on, dude. Marry me." 'Di ba? Parang kaibigan lang na nagpapalibre. Muntik ko na nga mabagsak yung popcorn ko na nasa bowl.

I joked, "Kailan ba? Gabi na. Bukas na lang." Natulala siya. Mukhang naniwala siya kaya tiningnan ko agad siya at sinabing, "Joke. It was a joke."

Umiling-iling siya at kinuha yung popcorn sa'kin. "Yung mga ganyang biro, hindi nakakatawa. Dapat tinotoo mo na." He grinned.

Kumuha ako ng isang popcorn at binato sa mukha niya. "Shut up!"

Tawang tawa lang siya sa mga reaksyon ko, sarap sapakin. Pakiramdam ko tuloy, pag tinanong niya ako ng seryoso kung gusto kong magpakasal, hindi ko seseryosohin.

Ilang araw na lang, aalis na siya sa ospital, pero hindi ko pa rin nasasabi sa kanya yung tungkol kay Marcus. I didn't want to ruin the mood. Masaya pa kami. Sinusulit ko muna.

"Tagal niyo naman mag break," sabi ni Sean. "Naiinip na ko." Nasa department na naman namin siya. Nag-uusap na kami at hindi na rin ako nakikipagkita sa mommy niya. Lagi akong may excuse.

Tuwing bibisita mommy niya o gustong magpakita, hinahayaan ko na lang silang tatlo. I didn't want us to be awkward. Isa pa, pinipilit ko na si Sean na sabihin sa nanay niya yung totoo.

I sighed. "Sean, maraming babae diyan. H'wag na ko."

"You're the one I like," he said.

I groaned. "Why are you even here? Busy ako."

"Busy rin ako." He winked. "I just dropped by to say I told her the truth." Sabi raw niya sa nanay niya, tumigil na siya sa panliligaw dahil nagsawa na siya sa'kin. Hindi 'yun truth kasi hindi ko naman siya pinayagan manligaw in the first place, but whatever.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon