Chapter Sixteen

94.8K 2.3K 497
                                    

Nandito na kami sa hotel kung saan gaganapin ang 32nd birthday ni ate Mycah at 7th birthday naman ng anak niyang si Maita. Ang sabi sa invitation, 5:30 ang start ng program, pero 5:30 na, hindi pa rin nagsstart. Katable ko sila Bianca, Ygona, Dela Paz, Briones, at Tigs. Wala pa sa amin ang nakakakita kay Apa. 

"Ang tagal naman, gutom na ko," Reklamo ni Tigs.

"Kaya nga, ako rin eh. Akala ko ba 5:30?" Sabi ni Dela Paz. 

Sumagot naman si Briones, "Filipino time, mga pre. Anong ineexpect niyo?" 

Ang rereklamo naman ng mga 'to. Oo nga pala, fairytale yung theme ng party kaya nakaprincess and prince look mga tao. Mostly, nakasuit and tie yung mga lalaki, pero marami rin na nakapang prinsipe talaga. Sila ata yung mga special guests. Yung mga babae naman, halos lahat, nakaball gown. Bilang lang yung mga maiiksi ang dress katulad noong akin.

Dahil wala akong ball or long gown, sinuot ko na lang yung graduation gift sa akin ni auntie Lynne (mommy nila kuya Luke) na black one-strap shoulder. Hindi mahaba yung dress. Sabi naman ni ate Mycah sa akin, okay lang daw kahit hindi long gown. Ano ngang magagawa ko eh wala akong long gown?

Sa makeup ko naman, nanood ako ng makeup tutorials sa youtube. Inayos ko lang kilay at pilikmata ko, cinurl ko short hair ko para mas lumutang yung color ng ombre, nag lipstick, eyeliner, konting blush on, at nag lagay lang rin ako ng foundation. Hindi naman ako ang may birthday kaya okay lang na hindi ako masyadong maganda.

Tinanong pa nga ako ni Bianca kung sino pinoportray kong princess. Ang sagot ko na lang, ako yung villain. Tawang tawa siya sa sagot ko. Hindi naman kasi ako nagbibiro. Noong nalaman ko nga na costume party, muntik na akong hindi pumunta, pero ang bastos ko naman kung hindi ako pupunta dahil lang doon. 

After mag reklamo nila Tigs, naglaro lang sila ng Clash of Clans. Nakakatawa sila, seryoso. Bored na bored, eh. Si Bianca naman, nagbabasa ulit. Yung babaeng 'to, walang pinipiling lugar. Ngumingiti pa siya na parang kilig na kilig. 

Sa sobrang bored ko, tatayo na sana ako para mag CR, pero umupo ulit ako dahil sa tabi ng table namin, nakita ko yung family ni Marcus. Kilalang kilala ko mukha nila dahil ilang beses ko na sila nakasama. Humarap na lang ako sa left side ko kung nasaan si Bianca para hindi nila ako makita. 

"Ano nangyari sa'yo?" Napatigil si Bianca sa pagbabasa. Sinabi ko sa kanya yung nakita ko. Pg tingin niya sa kabilang table, siya naman ang natulala. Bakit ba kasi ang liit ng mundo? At bakit sila nandito?

Bumulong siya, "Si Marcus."

Napapikit ako, "Ha?" Great! Nandito ex ko with his mom, dad, and younger brothers. Lumingon ako at nakita ko si Marcus na nakapangprinsipe. Kasama niya si Karen na nakaball gown with a silver crown on her head. Mas malaki yung korona niya sa korona ko.

Oo, required kaming mag suot ng crown, babae man o lalaki. Buti na lang at busy mag Clash of Clans yung mga kasama namin, or else, hindi ko alam mangyayari. Confident naman ako hindi sila magaaway. Kahit gago sila, alam nila kung anong tama at mali.

Binulungan ulit ako ni Bianca, "Hindi kaya step brothers sila?" 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon