Chapter Twenty

45.1K 1.2K 90
                                    

Chapter Twenty

Past

3 years ago

Laking pasasalamat ni Ags noong hindi siya ginawang abay sa kasal ni Gill. Puro close relatives lang kasi ang kasama sa entourage at sobrang malalapit na kaibigan lang ang invited sa kasal pati sa reception. Hindi nga invited mga kaibigan ni Apa kaya nagulat siyang noong nakatanggap siya ng invitation.

Kahit masaya siyang tinuturing siyang malapit na kaibigan ni Gill, kinakabahan pa rin siya dahil siguradong nandoon si Apa na hanggang ngayon ay iniiwasan niya. He tried talking to her, but she wasn't replying.

Kaya ang plano niya, sumaglit lang sa kasal, magbigay ng regalo, magpapicture kay Gill, i-congratulate siya, at umalis na.

Nandoon siya noong mismong ceremony na, pero nasa pinakalikod siya dahil ayaw niyang makita siya ni Apa na nasa harap. She was wearing a long and classy blue dress. Fitted yung dress kaya kitang kita yung curve niya. Her hair was long and curly.

Akala niya, hindi siya nakita ni Apa, pero ang hindi niya alam, bago pa siya pumasok ng simbahan, tinitingnan na siya ni Apa na napahinto noong nakita siya. She was stunningly beautiful. Paano siyang hindi mapapansin kung kapansin-pansin yung ganda niya?

After the ceremony, dumiretso na agad si Ags sa reception at binigay kay Gill regalo niya. Gill asked her to stay and she tried, but the moment she saw Apa, she went home.

Apa called her, but she didn't hear it. She didn't even know he saw her. Akala ni Apa, naka-move on na siya, pero noong nakita niya si Ags, he had to move on all over again. He even asked himself if it was possible to get over her.

"Yuki, how are you? How's the wedding?" Asked Lizzie. Magkausap sila sa phone. Dapat pupunta rin si Lizzie, pero hindi siya pinayagan ng parents niya. Isa pa, marami siyang kailangan gawin. Hindi naman kasi siya kasing talino ni Apa.

"Liz, I saw her."

"A-Ah, really?" Hindi alam ni Lizzie kung bakit, pero nakaramdam siya ng inis. Nawitness niya kung paano masaktan si Apa. Nakita niya kung paano niya iniyakan si Ags. "What are you going to do?"

"Akalain mong may igaganda pa pala siya." Apa laughed, while imagining Ags' pretty face.

"Yuki, wake up! She's dating your friend."

He completely forgot. Buti na lang, nandiyan si Lizzie para gisingin siya.

But what could he do? He missed Ags. He still loved Ags. He wanted to hug and kiss Ags, but he couldn't. He was so frustrated, because he couldn't speak to her. Mas nakakausap pa niya ang pamilya at mga kaibigan nito kaysa sa kanya.

In just one glance, the years he spent letting go and moving on had turned to dust.


One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon