Chapter Forty Five

54.1K 1.2K 166
                                    

Chapter Forty Five

Present

Vainglorious

December had been an eventful month: 

Apa's birthday after he got adopted (Nico's birthday), Jigger's death anniversary, his real birthday, my family's Christmas party, his family's Christmas Party, our department's Christmas party, friends' Christmas party, church's Christmas Party, at marami pang Christmas parties.

Seriously, mamumulubi na ako. Dalawang birthday niya ang cinelebrate namin. Sa unang birthday, sinurprise ko siya sa work niya. Lizzie wasn't there anymore. I didn't want to ruin his birthday so I didn't ask about her anymore.

Sa pangalawang birthday niya, he was the one who surprised me. Pupuntahan ko sana siya ng gabi dahil may duty ako ng maga, pero inunahan niya ako. Sabi niya, simula raw noong naging kami ulit lalo na noong kinasal kami, parang everyday naman, birthday niya.

Hindi siya nakapunta sa death anniversary ni Jigger kaya mag-isa lang akong pumunta. At sa lahat ng Christmas parties, Christmas party lang ng department ang napuntahan ko.

Kahit sa mismong Christmas, may duty ako. Pag-uwi ko sa condo galing sa Christmas dinner namin nila Zoe, Dyma, at Abby (may duty rin sila), dumapa agad ako sa sofa.

Oo, sa condo na ako ni Apa nagsstay, pero dahil mag-asawa na kami, sa amin na 'to. I told him I'd pay for the the bills. Hindi ako papayag na wala akong binabayaran.

Hindi ko na tuloy alam kung saan pupulot ng pera.

I was haggard and literally a mess when the door opened and I saw Apa, Mommy, Daddy, Arvin, and Kyrel. May dala-dala silang pagkain at naka-Santa hat pa sila. Si Kyrel nga, Santa Claus costume talaga.

"Mommy!" Kyrel excitingly hugged me kahit nakadapa pa ako. Umupo ako ng maayos at yinakap siya saka kinandong.

"Ate!" Tumabi rin sa akin si Arvin at yinakap ako. Close na close na sila Arvin at Kyrel. We had decided to take care of Kyrel. Hangga't hindi pa nagiging okay si Marcus, kami na muna ang mag-aalaga sa kanya.

Naglakad si Apa sa likod ng sofa at yinakap ako. "I've missed you." Hinalikan niya ulo ko at inamoy. "Ang baho mo na."

I rolled my eyes. "Ang bango mo kasi."

He smirked. "Mabango talaga ako."

Wala naman talagang nagbago simula noong kinasal kami ni Apa. Ang nagbago lang, yung gastos ko dito sa condo. Hindi rin naman kami nagsasama since parehas kaming busy.

Natulog siya dito once, pero pagdating ng midnight, umalis na siya. Awang awa ako sa kanya dahil pinipilit niyang pagkasyahin yung time niya sa'kin at sa pagsusurgeon niya. Nakakapagod.

Despite of it all, never niyang pinakita sa'kin na hindi siya masaya. Ako lang daw ang kailangan niya para mawala pagod niya. Napailing na lang ako. He was too tired.

"Merry Christmas, Love." I kissed his cheek. "Thank you for everything."

Pagkaalis nila Arvin, Mommy, at Daddy sa condo, kaming tatlo na lang ang naiwan. Nag leave pala si Apa ng one week at dito siya magsstay for the whole week.

"Kyrel, miss mo na ba Papa mo?" Apa asked him. Magkatabi kami ni Kyrel sa sofa, habang si Apa, nakaluhod sa sahig, tapat ni Kyrel. He was holding his both hands on his lap.

Kyrel nodded.

"What?" I mouthed.

He gave me a reassuring smile. He winked. "Akong bahala," he mouthed back. Tiningnan niya ulit si Kyrel. "Gusto mo ba siyang makita?"

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon