Chapter Fifteen

84.1K 2.5K 313
                                    

Excited na akong matapos ang first semester at bumalik sa band. Confident naman akong magiging maayos ang grades ko dahil nag-aral akong mabuti. Tamad naman talaga ako mag-aral noong highschool, pero kailangan ko ng mataas na grades kung gusto kong bumalik sa band. I miss playing drums. Seriously.


Sa second sem rin magsstart yung soccer competition ng UAAP. Magiging busy na lalo na ang mga soccer players kaya nga ngayon, pag may free time, sinusulit talaga nila at nadadamay pa kaming dalawa ni Bianca sa mga kalokohan at trip nila.


"Inom tayo," Aya ni Tigs. Compared kila Briones, Dela Paz, at Ygona, si Tigs ang pinakamadaldal, pero ngayon, stressed ata siya kaya pumayag na kami. Late pa naman yung pasok namin ni Bianca bukas, pero sila, may practice pa.


"Sure ba kayo? Magigising ba kayo bukas? Baka pagalitan kayo," Sabi ko, concerned lang naman dahil baka parusahan sila nang sobra ng coach nila.

"Sanay naman na kami. Tara na! Sagot ko na yung drinks."


Sasakyan ni Ygona ginamit namin. Napapansin kong puro sasakyan at condo ni Ygona ginagamit namin. Si Tigs naman yung madalas mag abono o manlibre ng drinks at pagkain. Si Dela Paz? Nevermind. Kami nila Bianca, Briones at Apa, parehas lang na nagbibigay ng pera kung kailangan, pero hindi kami nanlilibre.

Nakarating kami sa Fort at uminom agad sila Tigs.


"Putangina," Tigs looked really mad. Galit pala siya sa asawa ng ate niya dahil hindi pa rin nagtatrabaho. Puro ate niya yung nagtatrabaho para sa kanila at pag kulang, hihingi sa mga magulang nila eh malapit na nga daw mag retire parents nila. Imbis na tumulong, sakit pa daw sa ulo at bulsa. Kawawa lang mga pamangkin niya.


Lahat sila nagsheshare na except si Apa. Hindi siya umiinom dahil siya ang magdadrive sa amin pauwi. Babantayan rin daw niya kami ni Bianca dahil kanina pa kami inom nang inom. Bakit nga ba ako umiinom?


Bumulong ako kay Bianca, "CR tayo, naiihi ako." Nagsheshare pa rin sila ng mga problema nila. Gusto ko pang makinig, pero naiihi na talaga ako.


"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Apa noong tumayo ako. As usual, magkatabi na naman kami kaya napansin niya ako agad. Nahihilo ako, pero matino pa naman ako.


"CR," Sabi ni Bianca. "Naiihi na daw si Ags."


"Samahan ko na kayo. Tipsy na kayong dalawa," Sabi ni Apa at sinamahan kami. "May problema rin ba kayo? Gusto niyo rin mag share?" Tiningnan ko lang siya nang masama kaya nagulat siya. Share? Hindi ba dapat siya ang magshare?


Pumasok na kami ni Bianca sa loob habang naiwan si Apa sa labas.


"Ags, may sasabihin ako. Wag kang magugulat," Sabi ni Bianca. Nas cubicle pa ako at umiihi.


"Hindi ko pa alam kung hindi ako magugulat, pero sabihin mo na."


"Inadd ako ni Marcus, diba? Parang sila yung nasa table sa pinakagilid," Sabi niya kaya nagulat ako. Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Sinabihan ko si Bianca na wag sasabihin kahit kanino. Mas okay na kung dedma para mas tahimik ang buhay.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon