Chapter Twenty Two

44.7K 1.2K 57
                                    

Chapter Twenty Two

Past

2 years ago...

Tuwing death anniversary ni Julius, buong araw si Ags sa tabi ng puntod niya—nagbabasa ng libro, nagkikwento, at minsan pa, nakatulala lang. Para kay Ags, hindi kumpleto ang anniversary ng paborito niyang tito kung wala siya roon buong araw.

Sa tuwing malungkot siya at nag-iisa, sinasamahan siya ng uncle niya kaya tuwing anniversary o birthday ni Julius, ayaw niya rin itong mag-isa.

"Uncle, miss na miss na kita." She was holding the necklace he gave to her. "Paulit-ulit ko pa rin pinapanood mga videos mo. Hindi naman maganda boses mo, pero nakakamiss pakinggan. Hearing your voice relaxes me. Yung mga inadvice mo sa'kin, hindi ko pa rin nakakalimutan. Tuwing malapit na akong sumuko sa med school, ang iniisip ko lang, I didn't want to disappoint you. Ang laki kaya ng tiwala mo sa'kin." She laughed. "I'm sure you're proud of me, but I still want to hear it from you."

Sumandal siya sa puntod ng uncle niya, habang yakap ang picture nito. "I'm still having nightmares. Bakit mo kasi ako iniwan? Bwisit ka. Tss. For sure, kung nandito ka, ang isasagot mo sa'kin, 'Tinawag mo pa 'kong uncle kung tatawagin mo rin akong bwisit?' But no kidding, I really miss you. I miss you more than I miss him. You know who I'm talking about. Magpakita ka naman oh. Kahit sa panaginip lang."

That night, she had dreamt of her uncle and they were dancing. Everyone was there. Apa was there. Lahat ng tao, pinapanood silang magsayaw ng tito niya. She was wearing a ball gown, while her uncle's wearing a suit and tie.

Plot twist: Suot niya yung wig na kamukha ng buhok ni Elsa sa Frozen na bigay sa kanya ni Ags.

"Naalala ko pa noong bata ako. Wala si daddy kaya ikaw ang nag sayaw sa'kin. You're my first dance, remember?" Ags said. She was in tears, but she was also laughing. "Bakit ba suot mo yan?" Talking about the wig.

Julius' smiled. "Syempre naman. Regalo mo 'to, eh. I should be proud of it."

"Weird mo talaga."

"Kanino ka pa ba magmamana?" All of a sudden, he became serious. "Anak, bitaw na. Learn to let go." She did not even know how to let go. 

Mabilis na umiling si Ags. "Ayoko. No, not again." Pahigpit ng pahigpit ang hawak niya sa balikat ng uncle niya, pero pilit siya nitong binibitawan. "Uncle, please. H'wag. Don't let go. Please stop letting go!"

"'Nak, hindi lahat ng bagay, pwede nating makuha. People come and go. Some of them stay, but they have to drift away eventually. Tao ka rin. Someday, may mga tao kang masasaktan at iiwan. Hindi mo man sinasadya, hindi man natin sinasadya, pero ganun talaga ang buhay. We just have to adapt. We need to cope and learn."

Still sobbing, she asked, "5 minutes? Just... another 5 minutes. Last na 'to. Tell me you'll never leave. Na kahit na hindi kita nakikita, nandito ka lang palagi sa tabi ko at makikinig ka. Na kahit hindi kita marinig, babantayan mo pa rin ako. Na... Na pag nasasaktan ako, kahit hindi ko maramdaman, yayakapin mo ako." 

Julius' smile widened as he wiped Ags' tears and hugged her tight. "Alam mo naman 'yan, diba? Kahit hindi ko sabihin, alam mong nandito lang ako lagi."

After 5 minutes, she woke up with tears, but that time, she felt a little lighter. It was 6 in the morning and she decided to go out for a jog since maaga naman siyang nagising. Habang nagwawarm-up, may nakita siyang familiar na bata. Madumi ito, punit-punit ang damit, may mga pasa, at umiiyak.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Ags sa kanya. Hindi nagsasalita yung bata. Nakayakap lang siya sa sarili niya, takot sa lahat ng taong nilalapitan at kinakausap siya.

"Gutom ka na, no? Sa'yo na lang." Binigay niya yung tinapay at tubig na dala niya, pero tinitigan lang siya nito. "Walang lason 'yan. Hindi kita sasaktan. Kunin mo na." Dahan-dahang kinuha ng bata yung tinapay at tubig.

Tinabihan siya ni Ags. "Nasaan mga magulang mo?"

Umiling-iling siya. Naalala ni Ags si Apa at napaisip kung ganun din ang nangyari kay Apa noong bata siya o mas grabe pa.

"Alam mo, may kamukha ka," sabi ni Ags sa bata.

The kid looked at her curiously, pero hindi pa rin siya nagsasalita.

"Gusto mo bang sumama sa'kin?" Plano niya sanang dalin yung bata sa DSWD o kaya naman kila Father kung saan lumaki si Apa.

Naubos na ng bata yung tinapay kaya noong may dumaan na nagbebenta ng ice cream, bumili si Ags nito kaso paglingon niya, tumakbo na yung bata palayo sa kanya at hindi na ito naabutan.


One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon