Chapter Thirty Two

60.9K 1.5K 426
                                    

Sa dami ng nangyari sa akin ngayong taon, manhid na ako. Yung sampal, para sa akin, wala pa sa kagat ng langgam. Hindi na siya masakit dahil compared sa mga paninira, pang-iiwan, at pangloloko ng mga tao ngayong taon, walang wala na lang 'to. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit niya ako sinampal?


Hindi ako nakareact agad dahil sa bilis ng pangyayari, pero si Apa, pumunta na agad sa harap ko.


"Stop," He said. "Anong ginagawa mo, tita?"


Sinampal din niya si Apa. "How could you do this to Marcus?" She covered her face. "Oh, my poor son." Bigla na lang siyang humagulgol sa harap namin.


"Tita, ano bang nangyayari?" Tanong ni Apa. Friends nga pala family nilang dalawa.


"One day, he went home with a bruise on his face. After that day, bihira na siyang lumabas ng kwarto at pumasok ng school. Kung lalabas man siya, maglalasing lang siya. My son got into an accident because of you." She was sobbing. "Wala ba kayong konsensya? Naglalandian kayo dito habang yung anak ko, nasa loob? Masayang masaya pa kayo habang yung anak ko, halos ayaw ng mabuhay dahil sa inyo?"


Walang nagsalita sa amin ni Apa. Anong sasabihin namin? Sasagot na sana ako, pero inunahan na ako ni Apa.


He lowered his head, "Sorry, tita, we didn't know." Masyado talaga siyang mabait. Ako na naman mukhang masama.


"You should how disgusted I am right now, Lexter, lalo na sa'yo, Agatha," Nanggigil na sinabi ni tita Helen. "Humanda ka na lang, Lexter, dahil makakarating 'to sa parents mo."


Bago siya mag walk out, tiningnan niya muna ako nang masama. Hindi pa man nakakaalis ng tuluyan mommy ni Marcus, humarap sa akin ni Apa at hinawakan mukha ko.


"Sorry," He apologized. "I should've blocked her hand."


"Bakit ba ang bait mo? Minsan kasi, nakakainis na eh." Inalis ko yung kamay niya sa mukha ko at pumasok na sa loob. Nasampal din naman siya, pero ako agad inisip niya.


Also, bakit siya ang nagsososorry kay Tita Helen? Ako ang dahilan kung bakit nasuntok si Marcus at nagkakaganun siya, pero bakit siya ang nagsosorry? He makes me feel and look bad.


Habang nakapila ako sa elevator ng hospital, hinila ako ni Apa at pinaupo sa bench ng hospital. Tinanong ko siya kung bakit siya nanghihila, pero hindi siya sumagot at nilagyan ng ice pack cheek ko.


"Hindi nga masakit. Bakit ba ang kulit mo?"


Ngumiti siya. "Hindi ka pa ba sanay sa kakulitan ko?"


"Nakakainis ka kas-"


"Shhh," Sabi niya. "Gusto mo bang magkapasa sa mukha? Okay lang sa akin para wala ng magkagusto sa'yo, pero ang tanong, okay lang ba sa'yo?"


"Hindi naman kasi ako magkakapasa. OA mo eh," Sabi ko. "Alam ko namang concerned ka lang, pero unahin mo naman sarili mo kahit minsan. Kanina, ikaw pa yung nag sorry kahit wala ka namang kasalanan."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon