Chapter Forty Four

45.3K 1.2K 51
                                    

Chapter Forty Four

Past

Calling...

Unknown number

"Good morning. Who's this?"

"I-balik mo sa'kin si Kyrel," punung-puno ng galit boses ng nag-salita. "Ibalik mo sa akin ang anak ko."

"Apple." Alam na agad ni Apa kung sino ang kausap niya. "Sa tingin mo ba, ibabalik ko pa si Kyrel sa'yo? Pinabayaan mo lang ang anak mo. Hinayaan mo pang saktan ng asawa mo. Dapat nga nasa kulungan na kayo."

"Magsisisi ka, Lexter. Magsisisi ka."

He smirked. "Kung magsisisi man ako, 'yun ay dahil wala pa kayo sa kulungan. Okay lang naman kasi mahahanap ko rin kayo. Ako pa ba? Thanks for the call!"

Binaba na niya yung phone at pina-trace agad niya yung number. Tinawagan na rin niya si Sean. Hindi niya alam kung paano sila naging magkasabwat. Basta na-realize na lang niya na sa tuwing may balita tungkol kila Marcus, Lizzie, at Ags, siya ang unang nakakaalam.

"Nasaan ka?" tanong niya sa pinsan niya.

"Sa labas ng condo mo."

Bumangon siya sa kama niya at binuksan yung pinto para papasukin pinsan niya na may dala-dalang alak.

"Ang aga pa. Kaya walang babaeng nagkakagusto sa'yo eh. Magpakatino ka na nga," Apa teased, getting his cousin a cup of water. "Ang tanda mo na. Magpakasal ka na."

"Girlfriend mo lang naman gusto kong pakasalan," sagot ni Sean.

Kinuha ni Apa yung baso na may lamang tubig at binuhos kay Sean.

Sean automatically stood up and clenched his fists. "Gago ka ah?"

"Oh, 'wag sa mukha!"

Pinagbigyan siya ni Sean at sinuntok sa katawan. "Ah! Fck!" Wala pa naman suot na damit si Apa kaya hindi siya nakabangon agad, pero imbis na gumanti, tumawa lang siya ng tumawa. "I'll marry her."

Hindi pa man nakakatayo si Apa, tinadyakan na siya ni Sean.

"Anak ng. Masisira ribs ko sa'yo." Kumuha siya ng unan at binato kay Sean. "Gurang ka pa rin kahit anong gawin mo."

Akala ni Apa, sasaktan ulit siya ni Sean, pero ang ginawa nito, kumuha ng baso na may lamang tubig at binuhos din kay Apa.

"Hindi ko na kayo papakielaman," sabi ni Sean. "I won't provoke you anymore. I'm sick of your issues. Simula nang pakielaman ko buhay niyo, nagulo na rin buhay ko."

"Nag-salita ang walang issue."

Sean smirked. "Wala na akong pakielam sa nanay ko. Ikaw na rin nag-sabi, ang tanda ko na. Ayoko na. Nakakasawa. Marami naman akong babae." Dumiretso siya sa counter at nagbukas ng beer saka uminom at umupo sa dining table. 

"Aren't you too old for that? You should stop playing with women." Apa followed him and sat across from his cousin.

Sean shrugged."Basta. Hintayin mo lang hanggang kasal ng kaibigan mo," Sean continued. "I'll give up on her, but to make it harder for you, you can't talk to her. Not until I do."

Nag-dalawang isip pa si Apa. Kahit isang araw pa lang silang hindi nag-uusap ni Ags, gusto na niya itong puntahan. Paano niya matitiis ang girlfriend niya ng ganun-ganun na lang?

"I'll still protect her," Sean added. "Nakausap ko na si Liz, pero gago, hindi talaga nakikinig." Naglabas siya ng plane ticket. "Oh, ayan. Gusto niyang sumama ka sa kanya kaya kung ako sa'yo, h'wag mo ng bitawan bago pa gumawa ng paraan si Liz para pakasalan ka."

"Papakasalan ko naman talaga si Ags," seryoso niyang sinabi. "Kakausapin ko na parents niya mamaya. Hindi niya alam kasi di naman siya papayag, pero malay mo." He shrugged.

"Paano pag gumawa siya ng paraan para sumama ka sa kanya?"

"I won't," Apa replied. "I can't leave Ags again. I just can't."

Pangalawang bote na ni Sean. Binigyan niya si Apa, pero tumanggi si Apa dahil ayaw niyang maamoy siya ng mga magulang ni Ags pag kinausap na niya sila. Mahirap na!

"Stay away from Lizzie," Sean said. 

Hindi pa rin kasi tumitigil si Lizzie. Hindi lang sinasabi ni Apa kay Ags para hindi mag-alala girlfriend niya. Tinetext pa rin siya nito at kahit nasa ospital sila, pinapalabas niya na sila ni Apa. Natatakot na nga mga nurses sa kanya dahil tuwing may nagkakagusto kay Apa, she was being possessive.

He continued speaking, "Stop being too kind. Kaya ang daming naiinlove sa'yo. Kawawa lang si Ags. Alam mo, hindi totoong gago ang mga gusto ng babae. Tanga lang ang nagkakagusto sa aming mga gago. Alam na nga nilang lolokohin sila, lumalapit pa rin sila."   

"Gago ka nga talaga." Apa took a deep breath. "Umaasa kasi silang kaya nila kayong baguhin. Tsk. You really should get your mind check. Gayahin mo ako, loyal." 

"Kung si Ags naman kasi ang babae, imposibleng hindi ka maging loyal."

"Kung manloloko ka, hindi 'yun kasalanan ng partner mo. Nasa sa'yo 'yun kung mamahalin mo siya o sasaktan. H'wag mong isisisi sa iba kagaguhan mo."  

Sean chose to change the topic. "About Lizzie..." 

"What about her?" 

"Magreresign na siya bukas." 

"What did you do?" Apa asked.

"Simple lang." Sean shrugged. "I made her taste her own medicine. She loves threatening other people. Kung hindi siya magreresign, gagawin ko lahat para hindi ka na niya makita kahit kailan."

Apa smiled. "Mahal mo talaga ako, noh? Umamin ka na." 

"Yung girlfriend mo ang mahal ko." 

"Gusto mo ulit mabuhusan ng tubig?" 

Tumawa si Sean. "Pag binuhusan mo ba ako ng tubig, sa'kin na siya?" 

"Umalis ka na nga!" 

Sa huli, para silang mga sira ulong nagtatawanan. 

Who would have thought they'd be that close?

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon