Chapter Eighteen

89.5K 2.2K 165
                                    

Gusto kong sumigaw, gusto kong magwala, at gusto ko silang sakalin! Alam kong magulo at makalat kwarto ko, pero mas lalong kumalat dahil sa mga pinsan ko. Nandito silang apat sa kwarto ko dahil gusto daw nilang manood ng movie.

Habang pumipili ako ng papanoorin namin sa laptop ko, niwrewrestling ni kuya Luke si Louie. Nakikinig naman ng music si Leighton sa mac niya habang may tinatype at naglalaro naman si Logan gamit iPad niya. Take note, ang ingay niya pa tuwing nananalo at natatalo siya.

"Ano ba! Hindi ba kayo titigil?!" Sigaw ni Louie, paiyak na. Lagi nilang binubully talaga si Louie. Ilang seconds or minutes lang, sure ako, iiyak na naman siya tapos magsusumbong sa akin o kay uncle Julius tapos ipagtatanggol namin siya kaya lalo siyang ibubully ng mga kapatid niya. Great!

"Gago, ang daya! Talo na naman ako," Binaba ni Logan iPad niya at humiga sa kama ko. "Ba yan!" Sobrang affected talaga nila sa mga nilalaro nila, wala akong masabi.

"If Only na lang, please? Ayoko na ng action movie," Pakiusap ko sa kanila. Sawang sawa na akong manood ng patayan, takutan, at kung anu-ano pa. Pwede bang love story o nakakaiyak naman? Babae pa rin naman ako. Marami pa rin estrogen ko!

"Uhmm, guys? If Only na lang panoorin natin," Ulit ko. Gusto nilang manood ng movie, pero walang nakikinig sa akin. Magsasalita na sana ako, pero umiyak na naman si Louie. I knew it! Tinatawanan siya nila kuya Luke, Logan, at Leighton at nilalambing. Ugh! Bakit ba walang nagmana kay uncle Julius sa kanila?

"IF ONLY NA LANG, PLEASE?" I shouted kaya tumigil sila, pero umiiyak pa rin si Louie. Kumuha siya ng unan at nilagay yung ulo sa ilalim nito. Hindi na nga makahinga. Pero nag experiment ako at nadiscover ko na mas okay pag hindi siya pinapansin pag umiiyak. Pag pinansin kasi, lalo lang siyang iiyak at lalo lang lalala yung pambubully sa kanya.

"Ayoko niyan. Boring mo naman eh," sabi ni Logan sa akin. Mas bata siya sa akin ng two years. Si Leighton naman, mas bata sa akin ng one year. Simula nag high school si Leighton, hindi na sila naguusap ni Logan. Bakit pa sila naging magkapatid, diba? Hay.

"Kayo na nga mamili. Maliligo muna ako," Sabi ko sa kanila at pumasok na sa CR. Maliligo na sana ako kanina, pero bigla naman silang nanggulo. Since kung anu-ano pa naman ginagawa nila, gagawin ko muna kung anong gusto ko.

Pag labas ko ng CR, nanonood na sila ng White Chicks.

"Ano ba yan, Bach, magbihis ka nga!" Sabi ni kuya Luke. Hindi ko naman siya pinansin at kumuha na ng damit sa closet ko. Pag tingin ko sa kanila, nakatingin pa rin sila sa akin. Hindi pa ba sila sanay? Sila nga, kulang na lang, maghubad sa harap ko.

Teka, hindi man lang nila ako hinintay manood?

"Hey, nasaan kayo? Kaninong laptop gamit niyo? Kaninong kama kayo nakahiga at nakaupo? Bastos kayo. Hindi niyo man lang ako hinintay ma- Apa?" Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

Nakatitig lang siya sa akin kaya tinakpan ni kuya Luke buong mukha ni Apa, pero nakakakita pa rin siya dahil nakahiwalay fingers ni kuya Luke, "Magbihis ka nga! Mahiya ka naman sa bisita." Nag agree sila Leighton, Luke, at Louie. Tinulak pa nga ako ni Louie papuntang CR. Hindi ko naman kasi alam na may bwisita. Bisita? Eh parang bahay na niya nga 'to, eh.

After ko mag bihis, lumabas ako ng CR at nag punta sa gilid ng kama ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko ulit dahil hindi niya ako sinagot kanina. He just shrugged his shoulders and didn't even look at me. Para siyang naaawkward na hindi ko alam.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon