Chapter Thirty Nine
Present
Sagacious
Araw-araw, binibisita ko si Marcus ng patago kahit nasa ibang department na ako. Pag may oras ako (which was really rare), binibisita ko rin si Kyrel. Kyrel surprised me when he called me 'mommy'. 'Yun pala ang sinasabi ni Apa na may surprise sa akin yung bata.
Kaya na niyang mag pronounce ng tatlong salita: Mommy, Daddy, and Papa. Alam na niyang hindi ako ang nanay niya dahil pinaliwanag sa kanya ni Apa lahat. Hindi naman siya nagalit. I didn't know how Apa did it! At tinuruan pa niya si Kyrel na 'daddy' ang i-tawag sa kanya at 'papa' naman kay Marcus.
Kinwentuhan nga ako ni Doms at ang lola niyo, tuwang tuwa. "Alam mo ba, yung boyfriend mo, kung anu-ano tinuturo sa bata. At h'wag ka, isang beses, nag tampu-tampuhan siya. Hindi niya ni-laro si Kyrel ng ilang oras. Sabi ni Lexter, siya raw ang asawa mo at hindi si Marcus."
Nakaka-proud dahil kahit anong ginawa ni Marcus kay Apa, hinding hindi siya nag kwento kay Kyrel ng masama against him. Gusto niya raw kasi, pag naging okay na si Marcus, matanggap siya ni Kyrel and they could live happily.
Speaking of, Marcus had been improving. He still had hallucinations and delusions, but not like before. He also stopped giving me creepy looks. I wasn't visiting him as a doctor, but as a friend. If not for him, Apa wouldn't have survived. Besides, may pinagsamahan din naman kami.
Apa, Sean, and Kirk knew I had been visiting Marcus, though. Lagi kasi akong sinasamahan ni Sean pag bibisita. Si Kirk naman, nahuli ako, pero deadma lang naman siya. Si Apa, I told him about it. We had become each other's diary and source of energy. Also, he was Marcus' guardian.
Two days after namin mag-usap ni Apa, I had the chance to talk to Sean privately. I hugged him, thanking him for treating me to dinner and massage and for letting me see Apa.
Niloko pa niya ako. "Gusto mo ba talaga akong maka-move on?"
I then pushed him. Laughing, I said, "May irereto ako sa'yo."
"Lagi mo na lang akong sinasaktan. Ayaw mo na nga sa'kin, pinapamigay mo pa ako." Umiling-iling siya.
Tinawanan ko lang siya at binago yung topic dahil may utang pa siyang kwento. Sinabi niya sa'kin lahat ng alam niya. That liar, alam pala niyang nasa hospital si Marcus at siya rin ang nag-alaga kay Kyrel for 2 years. He gave them to Apa, because he couldn't handle them anymore.
He had no time for Kyrel and he stopped visiting Marcus at the mental hospital. So, when he found out the nanny he hired was hurting Kyrel emotionally and physically, he gave up and gave the responsibility to Apa.
"Bakit ayaw na tanggapin ni Marcus ng parents niya?" tanong ko.
"Because he left them when they gave everything to him. Isa pa, wala na siya sa katinuan. Siguro iniisip nilang kahihiyan si Marcus sa pamilya nila." Hindi naman na ako nagulat sa dad ni Marcus dahil tinrato niya 'to na parang robot, but his mom? Mahal na mahal siya 'nun.
8 years ago, naglayas si Marcus at pumuntang Cebu. Doon sila naging magkaibigan ni Sean. "Pagkatapos daw umalis ni Lexter papuntang Canada, tuwing nakikita ka ni Marcus, nilalamon siya ng konsensya niya. Paano niya raw nagawa 'yun sa nag-iisang babaeng minahal niya buong buhay niya. Sabi ko nga sa kanya, tanga niya, eh."
It felt like someone pinched my heart when he said that. Yung sikmura ko, pakiramdam ko, bumaliktad na dahil sa mga sinasabi niya. Akala ko doon na nagtatapos, pero 'yun palang pala ang umpisa ng mga nangyari kay Marcus.
He was really devastated. Lagi siyang umiinom, nagyoyosi, at nagda-drugs. "Dahil mabait ako kahit walang nakakaalam, lagi kong sinasabi sa kanyang i-tigil na niya. Pinilit ko pa siyang pumasok sa rehab, pero wala eh. Ayun si gago, nakabuntis ng prostitute. Tangina, paano ko ba 'yun naging kaibigan?"
BINABASA MO ANG
One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)
ChickLitSome boys like me, some boys don't. Girls do hate me, they think I'm a flirt. People talk about me behind my back. I don't care, as a matter of fact. I don't have boyfriends, but I do have boy friends. Less dramas, more joys. My life is really simpl...