Chapter Nineteen

87.5K 2.3K 256
                                    

Last week na ng first semester kaya lagi na kaming nasa library ni Bianca. Madalas nga kaming guluhin nila Apa kaya minsan, nagtatago na kami.


Pero mukhang expert stalker nga talaga siya dahil nahahanap niya pa rin kami. Sinusulit na raw nila pangungulit sa amin dahil simula next sem, everyday na practice nila. Hindi na daw nila kami maaasar.


Briones, Tigs, and Bianca were getting along really well. Mas nainspire nga raw si Tigs mag extend dahil kay Bianca. Patapon talaga! Si Briones naman ang good influence.


Minsan nga, siya pa ang nagtuturo kay Bianca. Magkasundung magkasundo sila dahil parehas silang mahilig magbasa ng libro. Parehas rin nilang favorite si Paulo Coehlo. Nangangamoy love triangle talaga.


Si Ygona at yung girlfriend niya, laging nagaaway. Athlete kasi yung girlfriend niya eh patapos na yung season niya at paumpisa naman yung kila Ygona kaya parehas stressed at mainit ulo. Mas pachicks pa raw si Ygona sa kanya.


Expectedly, Apa and I are doing fine. Oo, expectedly talaga. Sa bait ba naman niya, paano kami hindi magiging okay? Feeling ko never kaming magaaway ng seryoso at malala. Ang dami na rin nagtatanong kung anong status naming dalawa.


"Friends," Sagot namin, pero walang maniniwala. Eh di sige, sila na madaming alam.


Isang beses nga, habang gumagawa ako ng paper ko sa kwarto ko, bigla na naman pumasok sila kuya Luke. Sabi ko sa kanila, wag nila akong guluhin, pero hindi naman sila nagpaawat. Sakto naman nag text si Apa at sinabing nasa labas siya kaya pinuntahan ko na.


"Uncle, labas lang kami ni Apa," Sabi ko.


"Mukhang napapadalas date niyo, ah? Kayo na ba?" Seryosong tanong ni uncle.


"Pati ba naman ikaw, uncle?" I can't believe this. Tumawag nga sa akin si mommy one time tapos tinatanong kung ano ng lagay namin ni Apa. Namimiss na raw siya ni Arvin. Pati si daddy, tinatanong kung kailan first game nila. Televised kasi kaya gusto nilang manood.


Tumawa siya, "Hindi naman kami magtataka, kung wala kaming nakikita."


"Hi, uncle!" Bigla na lang pumasok si Apa naka-bun yung buhok. In fairness, bagay. Malinis siya ngayon. Bravo! Hindi naman sa sinasabi kong madumi siya pag nakalugay, pero yung poodle look kasi niya eh. Para talagang poodle!


Napataas kilay ko, "Bahay mo?" Feelingero na naman siya.


Nag kamot siya ng batok, "Tagal mo kasing lumabas, eh. May dala rin akong gamot para kay uncle. Anong akala mo, ikaw lang pinunta ko dito? Ikaw ah, feeler ka na." Niloko na naman niya ako kaya tawang tawa si uncle. Ako pa naging feeler talaga ha?


Nagpasalamat si uncle sa kanya at tinanong kung kanino galing yung mga gamot. Doctor pala yung asawa ni ate Mycah. Pinilit niyang bigyan siya ng mga gamot para sa ubo at sipon.


Naiimagine ko pa lang na kinukulit niya yung doktor na asawa ng kapatid niya, naaawa at natatawa na ko. Pinapasabi rin ng asawa ni ate Mycah na magpacheckup na si uncle Julius.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon