Chapter Twenty One

64.1K 1.6K 333
                                    

Chapter Twenty One

Present

Joss

Hindi ako nakapunta sa binyag ni Jigger, pero ninang pa rin naman ako dahil nakakuha sila ng proxy ko. Apa was able to attend dahil after a week pa siyang pwedeng pumasok sa trabaho kaya nga until now, hindi pa rin siya nakakapasok. Nagrereklamo nga siya na mas agahan, pero hindi siya pinayagan ng head. Besides, he worked too hard. He needed to rest.

Habang wala siyang masyadong ginagawa, tumutulong siya sa case ko. Pinaalam ko yung nangyari sa parents ko pati kay Auntie Lynne. Si Auntie pa nga ang kumuha ng lawyer. His name was Justin Tyler Dela Cruz, asawa ni Tita Rylie na kaibigan nila Auntie Lynne at Uncle Julius. Sabi nilang lahat, sobrang galing daw niyang lawyer. H'wag daw akong mag-alala dahil siguradong mananalo ako sa kaso.

Pero kahit gaano ko isipin na walang nangyari, hindi pa rin maalis sa isip ko yung mukha ni Denzel sa gilid ng kotse ko na may hawak na kahoy. Minsan, napapanaginipan ko pa nga.

"I have a new experiment." Nilagay ni Dyma yung Tupperware na may lamang pagkain. May bago na naman siyang experiment na pagkain. Apa would be glad to have Dyma. Paano kasi, mahilig siyang magluto, pero hindi naman siya mahilig kumain. Si Apa, marunong magluto, pero mas mahilig kumain. "Sa'yo yan. You have to be strong."

I smiled sheepishly. "Thanks, Dy, but you don't have to do this."

"I want to do this. Let me do this, Ags," matigas niyang sinabi. Nagguilty pa rin siya sa nangyari dahil sabi niya, kung nireport niya agad si Denzel, hindi mangyayari sa'kin 'yun.

"Ilang beses ko na bang sasabihin na hindi mo 'yun kasalanan? Ang kulit mo." Hindi ko rin naman nireport si Denzel kahit na may ebidensya ako. Buti na lang, hindi pa rin dinidelete ni Apa yung video na nakuha niya.

Denzel, by the way, got suspended. May restraining order naman na, pero bantay sarado pa rin sila. Ayoko rin lumabas ng walang kasama. Hindi na nga ako lumalabas pag gabi except pag galing sa duty.

Pero kahit pa galing ako sa duty, sinasamahan pa rin ako ni Apa, Anthony, o Kirk. Hindi rin ako pinapabayaan nila Zoe, Abby, at Dyma kahit ilang beses ko ng sinabi sa kanila na hindi ko kailangan ng special treatment.

Kaso ngayon, midnight na at wala akong kasamang umuwi from duty. Akala ni Apa, maaga ang uwi ko ngayon. Isa pa, kasama niya family niya na nauna pa akong bisitahin kaysa sa kanya.

"Agatha." Sean was walking toward me, then he put his arm on my shoulder. "I heard what happened. Ayos ka lang?" He looked genuinely concerned.

I nodded. "Thanks."

Nalaman niyang wala akong kasamang uuwi. Walking distance lang naman kasi ang hospital sa dorm, pero nakakatakot pa rin kaya nga hindi na ako nagdalawang-isip noong nag offer siyang ihahatid niya ako pauwi.

"Wala kang car?" Tanong ko sa kanya. Ibig sabihin, matagal pa kaming maglalakad na magkasama.

"Meron, pero hindi ko gagamitin. After how many years, ito ang pinakamahabang oras na makakasama kita."

"Stop."

Tumawa siya at hinubad niya yung suit niya saka sinuot sa'kin. "It's cold. You should at least wear long sleeves."

"I'm okay. Thanks."

I didn't want him to think na may pag-asa kaming dalawa. Ilang minuto rin kaming hindi nagsasalita, pero hindi na ata siya nakatiis at tinanong ako kung alam kong mag pinsan sila ni Apa.

"Can I share a story? Magugustuhan mo 'to kasi nandito yung ex mong patay na patay ka hanggang ngayon."

I glared at him. "Jerk."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon