Chapter Twenty Four
Magaling na si Apa, pero kinakabahan naman ako tuwing kasama siya. Baka mamaya kasi, bigla na lang manghalik. Alam ko naman na nagbibiro lang siya, pero hindi ko alam kung kailan siya aatahikin ng pagkabaliw niya. He's just so unpredictable!
Hindi ko naman first kiss (duh), pero si Apa yun eh. Maraming babae ang gusto siyang mahalikan. Paano pag di pala ako marunong humalik? Hah! Nababaliw na talaga ako. Kung anu-ano na iniisip ko. Nakakahiya.
"Ags, mag focus ka nga, please?" Pakiusap ni Bianca. May activity kasi kami ngayon. Lima kami sa group. Yung tatlong groupmates namin bahala sa title, outline, and talk. Ako yung magddrawing at si Bianca naman ang magcocolor.
"B, malapit na akong maloka," Sabi ko sa kanya.
Tumawa siya, "Diba matagal ka naman ng loka-loka? Lalo ka lang naging loka-loka noong nakasama mo si Lexter."
May point si Bianca. Nakakahawa naman kasi talaga kabaliwan ni Apa, pero walang makakatalo sa kabaliwan niya. Alam mo yung tipong pagod na lahat, siya hyper pa rin? Hindi talaga nauubusan ng energy eh. Kahit nga may sakit, medyo magulo pa rin siya.
Alam ko naman na mabait si Apa at pang long-term relationship siya, pero paano kung mapagod siya sa akin katulad ni Marcus? I know they're different, but what if? Ewan, natrauma na ata ako.
"Alam mo, Ags, wag ka ng masyadong mag-isip. Wag mong gayahin pagiging over-thinker ko kasi swear, hindi bagay sa'yo. Si Lex na yan oh. Habulin ng babae, pero hindi nagpapahabol. Rare na lang sila ngayon."
To be honest, nagaalala ako na pag sinagot ko siya, magbago na lahat. Masaya na ako eh, kuntento na ako. Eh si Apa kaya? Masaya kaya siya? Kuntento kaya siya? I really want to know.
"Apa, are you contented with what we are right now?" I asked him directly. Break na namin parehas. Iniwan kami ni Bianca dahil gusto raw niya muna mag pahinga sa pagiging third wheel. Sus! Pag kasama ko nga silang tatlo nila Briones at Tigs, 4th wheel pa nga ang role ko.
Ngumiti siya, "Ba't mo naman natanong?"
"Kasi... gusto ko lang malaman kung okay ka pa."
He chuckled, "Come on! Natatakot ka bang hindi na ako masaya? Wag ka ngang paranoid, Figgy. Sasabihin ko naman pag pagod na ko eh."
Hinampas ko siya sa stomach niya, "So sinasabi mo bang mapapagod ka rin?"
He sighed. "Gaga ka ba? Masaya ako kasama ka, wag mong pangunahan. Mas okay nga na hindi mo pa ko sinasagot eh. Bago mo ako sagutin, ayusin mo muna yung sa inyo ng ex-boyfriend mo."
"Bakla ka ba? Tapatin mo na ako ngayon pa lang. Ayokong maging si Carmina balang araw. Hindi ako ready magkaroon ng Bibi Gandanghari."
Tumawa siya nang tumawa, "Seriously?"
Seryoso kaya ako, "Ba't ka tumatawa?" Sumasakit na tiyan niya kakatawa. Kung yung iba, papatunayan sa babae na lalaki sila by kissing them, itong poodle cone na 'to, tawang tawa lang.
I furrowed my forehead, "Ilan ang probability na magiging bakla ka?"
Tumigil na siya kakatawa, "0.05?"
"Gago ka," I cursed him kaya lalo siyang tumawa. Sa statistics kasi, pag 0.05 ang probability, ibig sabihin, significant yung study. Anak naman ng pating. Alam kong nagbibiro lang siya, pero hindi nakakatuwa.
Ayaw pa rin niya tumigil sa pangiinis, "Are you seriously asking me that, Figgy?"
I shook my head, "Hindi, joke lang." Niloko niya ako. Ang seryoso ka daw mag joke kaya nakakatawa. Hindi siya natatawa sa mismong joke ko, pero sa facial expression ko. Nangiinsulto pa eh.
BINABASA MO ANG
One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)
ChickLitSome boys like me, some boys don't. Girls do hate me, they think I'm a flirt. People talk about me behind my back. I don't care, as a matter of fact. I don't have boyfriends, but I do have boy friends. Less dramas, more joys. My life is really simpl...