Chapter Thirty Nine

59.3K 1.7K 146
                                    

Chapter Thirty Nine

 

Everyday, hinihintay kong sabihin niya sa akin na may offer siya sa Canada, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong naririnig from him. Seryoso ba siyang hindi niya susundin daddy niya? Seryoso bang papakawalan niya yung ganun kalaking opportunity dahil lang sa akin?

"Knock knock."

Here we go again.

"Who's there?" Sabay-sabay naming tanong.

"Duling si Aga," Masayang sabi ni Tigs.

Bianca covered her face. "Not again." Instead of a graduation party for Tigs and Dela Paz and a goodbye party for Bianca, nag decide kaming mag sleepover na lang sa bahay nila Dela Paz.

Halos lahat din kasi kami, may kailangan gawin kinabukasan kaya ayaw namin magpagod. Nag labas lang si Paz ng dalawang bottles of wine. We just literally wanted to chill.

"Duling si Aga who?"

Tigs stood up and started exercising. "Mag exercise tayo, duling si Aga, duling si Aga, duling si Aga." Siya rin ang tumawa sa sarili niyang joke. Napahiya siya kaya nagtago siya sa likod ni Bianca. Ang benta tuloy!

Dahil graduate na si Tigs, malaya na siyang dalawin si Bianca anytime niya gusto. Flexible naman ang oras ni Tigs sa trabaho and he's also working from home. Ang chill chill niya pa rin!

"Ako naman, ako naman!" Joyce raised her hand; giddy as always. "Knock knock!"

"Last mo na ba 'yan?" Bri asked, losing hope.

She elbowed Bri and rolled her eyes. "Grabe ka sa'kin, pero pag-iisipan ko. Dali na. Knock knock!"

Simula last year, mahilig na sila sa knock knock battles lalo na pag bored kami, pero lumala noong napasama si Joyce. Ang dami niyang alam!


Nakakatawa nga kasi one time, nagdedebate na naman sila tapos sabi ni Bri, dapat daw 'Pinaglabanan' ang apilido ni Joyce kasi lagi siyang may pinaglalaban sa buhay.

"Who's there?" Sabay-sabay naming tanong.

She was smiling widely, "Solusyon!" 

 

"Solusyon who?"

She grinned. "SOLUSYON, sa Visayas, at sa Mindanao. Saan man sulok ng mundo- ANG KJ NIYO NAMAN. TAWA NAMAN KAYO!" Hindi ko talaga kinakaya pagkahyper niya! Dahil sa sinabi niya, ang daming nag fake laugh sa amin including Apa. Isa pa siyang bully.

"Ayusin niyo naman knock knock jokes niyo. Tsk, watch and learn!" Si Apa naman ngayon. Eh isa pa siyang corny! "Knock knock." He said confidently.

"Who's there?"

"Agatha."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon