Chapter Thirty Seven

67K 1.8K 198
                                    

Chapter Thirty Seven


I woke up to Apa's text, my eyes half-closed. When I saw what time it was, I ended up grunting and going back to sleep. Hindi ko rin naman mapoprocess sa utak ko yung text niya dahil antok na antok na ako.


Literal na konti lang tulog ko. Noong December 31, maaga kaming nagising para mag prepare. Hindi rin kami nakatulog dahil hinintay namin yung New Year.


Kagabi naman, dumating friends nila auntie at uncle pati mga anak nila. Hindi naman dapat kami kasama ni Arvin, pero inaya kami nila kuya Luke. Dumating nga rin mga band mates ko para kay uncle Julius.


Ang kulit ng mga kaibigan nila uncle pati ng mga anak nila. Sobrang iba't iba talaga ang personalities lalo na 'yung Alzeah. Ang sungit, pero nakakatawa. Girlfriend siya ni Tyrone, anak ng kaibigan nila auntie Lynne. Gwapo siya, pero hindi na ako magtataka dahil ang ganda at gwapo ng parents niya.


Nakita ko rin yung first love ni auntie na si uncle Brylle. Close pa rin sila ni auntie, pero ramdam kong mag kaibigan na lang talaga sila. Kaso kagabi, nakita kong umiiyak si auntie Lynne kaya sinundan ko siya sa kwarto nila.


*FLASHBACK*


"Auntie?"


She wiped her tears. "Ano ba yan. Nakita mo na naman akong umiiyak." She was forcing herself to laugh.


"Dahil ba 'to kay uncle Brylle?"


She shook her head. "No, masaya lang ako. Really."


"Weh?"


She nodded. Inexplain niya sa akin na hindi naman talaga original si uncle Julius sa barkada nila, pero dahil masarap siya kasama at mabait, madaming nagmamahal sa kanya, kahit yung mga kaibigan niya. Nag punta pa talaga sila para lang kay uncle.


*END OF THE FLASHBACK*


Late na silang umalis kaya halos kakatulog ko lang tapos fck, tumatawag na naman siya. Ugh!


Bzzt. Bzzt.


"Bakit?" I asked, my voice hoarse.


"Did I wake you up?" Hindi ba 'to natutulog?


"Mmm mmm."


He chuckled. "Sorry, I'll let you sleep. Good night, and don't forget it's your birthday. I love you, I really do."


My eyes widened as I remembered what day it is today. Of course, it's my birthday. When I was young, I hated this day. Wala kasing pasok dahil kakatapos lang ng New Year. Wala akong kasamang friends na magcecelebrate at madalas, nakakalimutan rin nila na birthday ko.


Wala rin bumabati sa akin ng 12 AM dahil tulog na ang mga tao since nag puyat nga sila noong January 1. Pero noong tumanda ako, I realized it's not that important anymore. Ang mahalaga, buhay ako. Nasanay na rin naman ako. For me, January 2 is just a typical day.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon