Chapter Ten

76.2K 2.3K 283
                                    

2 weeks ago, kinausap ako ng ex-girlfriend ni Apa aka sister Dominique, pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin maalis sa isip ko pinagusapan namin. Hanggang ngayon, kinukulit pa rin ako ni Apa kung ano ang pinag-usapan namin.


*FLASHBACK*


Dear Lexter,


I'm sorry, but God is calling me.


Sincerely yours,

Dominique


Pinabasa sa akin ni sister yung letter na binigay niya kay Apa after niyang mag decide maging madre na sinoli naman sa kanya ni Apa dahil hindi niya matanggap. Kaya nga hanggang ngayon, ang sinasabi niya sa tao, si sister nililigawan niya.


Imbis na maweirdan ako, natawa pa ako. Tinanong ko kay sister kung bakit siya nag madre. Sayang naman kasi yung 5 years no. Ang sabi lang niya, tawag siya ni God. Totoo ba talaga 'yun? God's calling? Bakit hindi ko maramdaman?


Bigla tuloy akong napareflect at napaisip kung gusto ko talaga maging Psychiatrist. Pakiramdam ko tuloy, anghel ang kausap ko ngayon.

"Pero sister, bakit ako? I mean, sorry, pero lahat ba ng dinadala ni Apa dito sinasabihan mong alagaan siya?"


Tumawa si sister, "Ikaw lang naman kasi ang dinala niya dito kaya nag assume akong importante ka sa buhay niya o pwede rin namang gusto pa lang maging importante."


Umiling iling ako, "Hindi po totoo yan." Nag 'po' ako kahit magkasing age lang sila ni Apa. Karespe-respeto kasi talaga siya.


Umiling iling rin siya, "Nag-usap kami ni Apa dati. Sabi kasi niya sa akin, hindi niya ako kayang palitan. Sabi ko naman sa kanya, one day, babalik rin siya dito, pero pag balik niya, may kasama na siyang babae na ipapakilala niya bilang girlfriend niya."


"Pero hindi niya ako girlfriend."


"Girlfriend o hindi, kaibigan o hindi, I think he likes you. As a friend? As his special someone? As a person? I don't know. Just take care of him, okay? Ayoko ng masaktan ulit siya, Agatha."


Bakit ba hindi ako makatanggi sa madre? Tumango na lang ako, "Sige po."


"Alam mo ba, may three charities siyang pinagvovolunteeran? Yung isa, dito. Yung isa naman, para sa mga matatanda. Yung isa, para sa mga cancer patients. This just proves how kind he is, so please, please don't hurt him, Agatha. I know you won't, but-"


"I won't," I smiled.


Gusto ko ng sabunutan sarili ko dahil sa frustration! Paano ko siya sasaktan eh hindi nga kami! Pati lagi ko siyang nasasaktan kaya imposibleng hindi ko siya masaktan. Bago kami umalis, tinanong ko kay sister kung alam niya kung bakit galit si Apa kay Marcus.


She nodded, pero ayaw niyang siya ang mag-sabi. Naniniwala daw siyang sasabihin rin ni Apa sa akin. Sabi ni sister, I should see Apa's serious side. If I do, maaamaze daw ako dahil yun daw ang dahilan kung bakit niya sinagot si Apa noon.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon