Chapter Thirteen

83.8K 2.5K 477
                                    

"Twinkle! Sprinkle! Brittle!" Tawag ko sa mga anak ko habang pumapalakpak. Sabay-sabay silang lumapit sa akin. Grabe, namiss ko silang tatlo. "Namiss niyo ba si mommy? Ha?" Isa-isa ko silang binuhat at nilaro. 

"Ang aga aga pa, ang ingay mo na!" Sabi ni Ygona, inaantok antok pa. 

"Ang aga aga pa, ang sungit mo na!" Ginaya ko sinabi niya. Nilalaro ko pa rin sila Twinkle, Sprinkle, at Brittle. Ang cute cute talaga nila.

"Kailangan talaga may 'le' sa dulo pangalan nila?" Tanong ni Dela Paz, mukha siyang naweweirdan. Ano bang mali sa twinkle, sprinkle, at brittle? Ang cute kaya! 

Tumawa si Apa, "Ikaw nagisip ng pangalan nila no? Teka, poodle sila, diba?"

 Tumingin ako sa kanya, "So? Ano naman kung poodle sila?!"

Ngumiti siya nang sobra, "Ikaw ha." Grabe, imba! Poodle nga pala tawag ko sa kanya tapos poodle breed ng mga anak ko. Teka, ano na naman iniisip niya?!

"Bakit na naman ba? Ano na naman iniisip mo? Weirdo!" I rolled my eyes.

Nakangiti pa rin siya. Mukhang tanga lang, "Wala lang. Tara na!" Hay nako!

Saturday morning, umalis na kami sa bahay. Nag swimming kami nila Arvin, nanny niya, Logan, Leighton, Louie, Apa, Ygona, Dela Paz, at Tigs. May private resort kasi kami malapit sa bahay. Pag umuuwi ako sa province, pumupunta lang ako sa resort at umaakyat sa taas ng slide.

Mahangin kasi at kita ko yung view. Puro patanim at kalabaw nakikita sa taas dahil malapit sa bukiran yung resort, pero sobrang refreshing. Maganda rin yung pools at fountains pag tinitingnan sa taas. 

Umakyat ulit ako sa slide at tiningnan sila. Ang saya saya nila. Nilabas ko phone ko at kinuhanan sila ng picture. Tiningnan ko yung picture at nagulat ako dahil nakatingin si Apa at nakangiti. Ang epal talaga nito!

Tiningnan ko sila. They were waving at me. Pinapababa nila ako at pinapaswimming, pero wala talaga ako sa mood mag swimming.

Ilang saglit lang, katabi ko na si Tigs, "Curious ka pa rin ba kung bakit siya galit sa ex mo?"

I nodded, "Ayaw niyo kasing sabihin."

Ginulo niya buhok ko, "Baka mashock ka kasi. Tanong mo na lang sa ex mo. Baka kahit ikaw, magalit sa kanya pag nalaman mo."

"I just can't understand, pero wait. Ngayon ko lang naisip. Alam ni Marcus bahay nila Apa at lagi rin mainit dugo ni Marcus kay Apa."

"Malamang," Tumawa si Tigs. "Magkaibigan sila dati, eh."

Hindi na ako nag tanong. Sabi ko sa kanya, mag slide na siya. Nag slide naman siya at bumaba na ako sa stairs. Nilagay ko sa cottage yung phone at umupo sa gilid ng pool. Ang lami talaga. Mahina ako sa lamig kaya wala talaga sa mood mag swimming.

"Ate, swim with us! Come on, swim with us!" Ang saya saya ni Arvin.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon