Chapter Forty Nine

41.6K 1.2K 143
                                    

Chapter Forty Nine

Xanthippe

I had tasted so many bitterness in my life. I had been broken, left, hurt, and betrayed. Mas masakit 'yun kaysa sa mga nangyari sa akin ngayon. I was scared, so damn scared I thought I was going to die, but I was still alive, wasn't I? Naka-confine lang ako sa hospital with few injuries.

It was definitely painful, but come to think of it, I died inside when Uncle Julius died and Apa left. I almost got raped by a teacher and co-intern. Ang dami ko ng beses namatay at literal na muntik mamatay.

Kaya siguro ngayon, hindi ko na naiisip yung sakit. Ang gusto ko lang malaman ay kung nasaan si Apa. Bakit wala siya dito? Anong nangyari sa kanya? Ba't ayaw ako palabasin ni Sean?!

"Ano bang ginagawa mo? Tangina. Hindi ka pa pwedeng umalis." Humarang si Sean sa pinto. "Bumalik ka sa higaan mo."

Inalis ko yung dextrose ko. May bandage ngayon ang ulo ko at may cast ang kamay ko. May mga sugat at pasa rin ako sa ibang parte ng katawan, pero nagamot naman na.

I needed to see Apa. Was he safe? Nasaan si Kyrel?

"Get out of my way. I need to see them!"

"They're safe. Kita mong nanghihina ka pa! Masyado ka kasing tapang-tapangan. Hold your horses and calm the fck down! Mas okay pa nga sila sa'yo."

Kung okay si Apa, sana nandito siya ngayon, pero wala siya dito. Ibig sabihin, may nangyaring masama sa kanya. Nasaan silang dalawa ni Kyrel? Anong nangyari sa kanila? I had to know!

"Nasaan sila?"

Hindi siya makasagot. Ang lakas ng loob niyang tumingin sa akin. Hinanap ko yung mga sagot sa mga mata niya, pero wala akong makita. I was so clueless. 

Where the fck was my husband?

"Nasaan sila?!"

Hindi pa man siya nakakasagot, may kumatok na sa pinto. Umalis si Sean at binuksan ko 'yun agad. I saw my friends and family, but I needed Apa. I had to know to where he was.

Buhay naman siya, 'di ba?

Kahit masakit, tumakbo ako. Kailangan ko siyang makita, pero hindi siya ang nakita ko. 

Si Doms! She looked like she just cried.

"Si Apa?" agad kong tanong sa kanya. Para akong sirang plaka. Paulit-ulit kong tinatanong kung nasaan si Apa, pero walang sumasagot!

She just hugged me, still sobbing and out of breath. "Thank God, you're alive."

"Doms, si Apa?" tears welled up in my eyes. Why couldn't they just tell me? Ganun ba kahirap sagutin tanong ko?

"He's fine," sagot niya. Kanina pa nila sinasabi na safe si Apa, na okay siya, pero hindi naman nila masagot kung nasaan siya. Nafufrustrate na ako. He was my husband. I deserved to know.

Kung safe, eh di safe. Kung wala, eh di wala.

Pero kailangan kong malaman!

"Si Kyrel?" I asked.

"Natutulog siya ngayon. Kailangan niyang magpa-counselling. Ags, okay ka na ba? Wala bang masakit sa'yo? Bakit bumangon ka na? Mukhang hindi ka pa magaling, eh." She looked really worried.

"Nasaan si Apa, Doms? Sagutin mo ako. Please?" Kulang na lang, lumuhod ako para lang sabihin nila kung nasaan si Apa.

She took a deep breath. "Ags."

"Please... I'm begging you..." Dahan-dahan akong lumuhod kahit masakit yung katawan ko.

"Ags, please tumayo ka diyan."

"Sabihin mo kung nasaan si Apa." I broke down in tears. "Where are they? Tell me. Nasaan si Apa? Where's my husband?"

"Ags, please. Baka kung mapano ka. Bumalik ka na muna sa higaan mo." She looked really worried. Tinutulungan na niya akong tumayo, pero hindi ako tatayo hangga't hindi nila sinasabi sa akin kung nasaan si Apa.

"Tell me." I wiped my tears and faced her, trying to be steady. "Tatanggapin ko kahit anong sagot mo."

"Gusto mo talaga malaman?" That was Sean's voice. Pumunta siya sa harap ko. Sabi niya sa'kin, hindi niya sasabihin hangga't hindi ako tumatayo kaya tumayo na ako.

"Ano na?" 

"Hindi ka pwede ma-stress," sabi ni Sean. 

"Stressed na ako. Can't you just tell me where he is?" Pagod na rin ako.

He looked tired and stressed. Mas mukha pa siyang stressed sa akin. "Hindi ka pwedeng ma-stress kasi-" 

"Kasi ano?!"

Huminga siya nang malalim. "You're pregnant."

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon