Chapter Six

87.1K 2.3K 232
                                    

When I woke up, I immediately remembered what happened and panicked. People around me were trying to calm me down. Pinainom lang nila ako ng tubig at huminahon na ako. Pag tingin ko sa gilid ko, nandoon si kuya Luke at uncle Julius. Sa isang gilid ko naman, sila Briones, Apa, at Bianca. Nireport na daw nila si sir Raymond sa DO pati sa police. 

Bianca pouted, "Sorry, Ags. I shouldn't have let you go there alone." I just smiled, assuring her that it was okay and it wasn't her fault.

Huminga ako nang malalim, "Gusto ko ng umuwi." 

Second year highschool pa lang ako, madalas na akong mabastos o mamanyak. Malaki daw kasi boobs ko at maagang nag develop katawan ko pati height ko. Ni hindi nga ako makapagsuot ng sando dahil bastusin daw eh yung mga classmates ko naman noon, kahit nakasando, okay lang. 

Kaya nga noong naging kami ni Marcus, feeling ko wala ng babastos sa akin dahil nga takot sa kanya mga tao. Over protective rin kasi siya. Pati sa mga kaibigan niya, nagalit siya dahil feeling niya ata lahat ng lalaki, nagkakagusto sa akin.

He was delusional and paranoid, pero minahal ko siya dahil at kahit ganoon siya. 

Umuwi na kami ni kuya Luke at sumabay na rin si Apa sa amin. User talaga nito! Close pala silang dalawa, ngayon ko lang nalaman. Hindi lang magkakilala, pero close! Sabagay, hindi imposible dahil same university. Kaya pala kilala siya ni uncle Julius.

Speaking of, nagpaiwan si uncle Julius sa school dahil gusto niyang makausap yung professor namin. Kahit ayoko, I need to talk to him para wala na siyang madisgrasyang estudyante. Paano pag nakalusot siya? Paano pag baliktarin niya mga pangyayari?

Hindi pwede. I won't let him!

"Puta. Anong klaseng prof yun?" Galit na galit si kuya Luke.

"You're driving. Mamaya ka na magalit," Sabi ko sa kanya.

Si kuya Luke ang nagddrive, si Apa naman ang nasa shotgun seat, at ako yung nasa likod. Himala dahil hindi nagsasalita si Apa. Instead, binigyan niya ako ng kisses na cookies and cream. Isang pack pa nga eh.

Tumawa ako, "Sa akin?"

"Ayaw mo ba? Akin na!" 

Kukunin niya sana, pero yinakap ko na yung pack ng kisses, "Binigay mo na. Wala ng bawian."

"Kisses lang pala katapat mo. Kiss ko, gusto mo?" He grinned. Pinukpok ni kuya Luke si Apa ng kamay niya kaya napa-aray si Apa. 

I smirked, "Buti nga sa'yo." 

Pinagsabihan siya ni kuya Luke na wag akong landiin sa harap niya kaya ang sagot ni Apa, "So pag nakatalikod ka, pwede?" Winiggle wiggle pa niya eyebrows niya kaya napukpok na naman siya ni kuya Luke. Parang timang lang!

Habang nagsasalita si kuya Luke, bigla kong naalala si Bianca. Dahil sa nangyari, nakalimutan ko na ibbuild up ko si Bianca kay kuya Luke. Tinanong ako ni kuya Luke kung anong iniisip ko dahil parang ang lalim kaya tinanong ko na kung kilala niya si Bianca.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon