Chapter Twenty Six

98.3K 2.2K 786
                                    

Dedicated to @carpediemzen! Thank you for understanding, appreciating, and complimenting. Also, for being patient. I really appreciate it. I feel the love and support! >:D<


To everyone, enjoy reading. Thank you for voting and commenting!


Chapter Twenty Six


Why can't I have a peaceful life?! Una, sila Karen at Marcus. Pangalawa, sila Luis, Quintin, BJ, at AJ. Pangatlo, si Marcus ulit, at ngayon naman, nanay ni Marcus. Why can't they just move on and let go? Sila naman ang unang tumalikod sa akin, pero bakit ako pa yung lumalabas na masama dahil iba na ang mga kasama ko ngayon?


"Agatha, nagmamakaawa ako sa'yo. Nilunok ko na lahat ng pride ko," Tita Helen pleaded. Naaawa ako sa kanya, pero wala talaga akong balak balikan anak niya. Depressed daw kasi si Marcus these past few weeks at laging ginagabi umuwi. What? Kasalanan ko na naman?


I lowered my head, "I'm sorry talaga, tita Helen." lang ang nasabi ko.


Pag sinabi kong hindi ko na mahal si Marcus at may iba na ako, magagalit siya. Pag sinabi ko naman gusto kong balikan si Marcus, magsisinungaling naman ako kaya mas okay kung mag apologize na lang ako.


Para na siyang naiiyak, "I treated you like my own daughter, but how could you do this to my son?"


"I know he's your son so you'll side with him no matter what, pero tita, tama na po. Hindi po ako masamang babae, pero hindi naman po ako masokista. Your son cheated on me with my friend. Hindi niyo po ba alam kung gaano 'yun kasakit? Kahit anong mangyari, hinding hindi ko babalikan anak niyo kaya for the last time, sorry and thank you for treating me like your own daughter."


Tama naman sinabi ko, diba? Isa pa, imbis na magalit sila sa anak nila, tinanggap nila si Karen. Mukhang hindi rin sila galit kay Karen dahil kasama pa nila siya sa party ni ate Mycah at nagalit sila noong tinulungan ako ni Marcus. Daughter? Sinong nanay ang gustong masaktan anak nila?


Tumayo si tita Helen at tulad ng mga nakikita ko sa movies, kinuha niya yung baso niya at binuhos yung iced tea sa akin. After nun, umalis na siya without saying anything. Para akong nag ice bucket challenge dahil sa yelo ng iced tea.


"Ags!"


Tumingin ako sa may pinto at nakita ko si Marcus na nagmamadali papunta sa akin. Hahawakan niya sana ako, pero umiling ako.


I tried to smile, "I'm really mad right now, Marcus. Fortunately, my parents taught me how to respect elders. Pero fck, next time gawin niya 'yun sa akin, lalaban na ako. What did I even do?!"


Marcus apologized to me, but I didn't say anything. Kinuha ko lang lahat ng tissue sa table at umalis na para mag CR dahil hindi ako pwedeng umuwi ng ganito. Ilang minutes lang naman yung school sa bahay namin. Ayokong malaman nila.


Kahit anong gawin ko, ayaw mawala ng lagkit sa buhok ko. Feeling ko anytime, lalanggamin na ako. Pag labas ko ng CR, nandoon pa rin si Marcus.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon