Chapter Fourteen

77.5K 2.2K 169
                                    

Recently, lagi kaming tumatambay sa condo ni Ygona. Bwisit na bwisit kasi siya sa room mate niya dahil laging nagdadala ng mga guests tapos pag nagkalat, siya yung maglilinis kaya ngayon, lagi niya kaming iniinvite mag movie marathon sa condo nila o maglaro ng cards.

"Grabe ka," Sabi ko sa kanya after mag walk out ng room mate niya.

"Mas malala naman ginagawa niya. Alat!" At least naman daw, naglilinis siya. Ito talaga ang dahilan kung bakit ayaw ko mag condo. Hindi ako comfortable na may kasama sa kwarto at makalat rin ako. Nakakahiya naman sa kasama ko, diba?

"Wala ng pagkain. Sinong bibili?" Tanong ni Tigs. "Kami na ni Briones bumili kanina. Kayo naman, huy. Kilos kilos din. Kain kayo nang kain diyan, eh."

"Hindi ako," Sabi ni Dela Paz. "Wala akong pera."

"Lagi ka naman walang pera, pero date naman kayo ng date ng babae mo." 

"Kaya nga wala akong pera, eh. Pre naman!" 

Tumayo na ako, "Ako na bibili. Wala na akong naintindihan sa pinapanood natin." Ang ingay kasi nila eh nanonood kami ng action movie. Nasa kalagitnaan na nga, pero biglang wala akong maintindihan dahil sa kanila.

"Sasamahan na kita!" Apa volunteered, but I didn't let him.

"Wag ka na," Sabi ko habang nagsusuot ng rubber shoes.

Noong sinabi ni Apa sa akin na magkaibigan kami, sobrang iritang irita ako sa kanya. Doon ko naconfirm na crush ko siya. Buti na lang at sinabi niya agad sa akin na friends lang kami para hindi ako aasa. Good job! Pero inis na inis pa rin ako. 

Oo nga pala, sa Saturday, birthday ng kapatid niyang si ate Mycah at ng anak niya kaya invited kaming lahat. Hindi ko akalain na tatlo na pala ang anak ni ate Mycah. Hindi kasi halata! Yung isa naman niyang ate, buntis at manganganak early next year. 

Ilang beses na nga pala akong sinasama ni Apa sa bahay nila. Hinahanap daw kasi ako ng mga ate niya palagi dahil hindi sila naniniwala na hindi niya ako girlfriend. Inexplain ko na rin sa kanila, pero ayaw talaga nila pumayag. Sinasama rin niya ako sa dalawang charities na pinagvovolunteeran niya. 

"Ayaw mo talaga paawat, no?" Katabi ko na kasi si Apa ngayon sa elevator. 

Ngumiti lang siya, "Naman!" 

Dati, pag sinabi kong ayoko sa mga kaibigan ko, kahit pilitin nila ako, ayoko talaga. Pero pag si Apa, kahit inis na inis na ako sa kanya, sumusunod ako o wala akong nagagawa. Ang kulit niya kasi. Walang nagagawa pagtataray ko sa pagiging persistent niya.

Isang beses nga, tinry ko siyang galitin. Hindi ko siya pinansin buong araw. Pag kakausapin niya ako, tatalikuran ko siya o kaya naman kakausap ako ng ibang tao. Pag nagtetext o tumatawag siya, hindi rin ako nagrereply o sumasagot.

*FLASHBACK*

"Anong ginagawa mo, Ags? Ano na naman pakulo mo?" Tanong ni Bianca na natatawa tawa dahil nahalata niyang iniiwasan ko si Apa. Natatawa rin siya sa expression ng mukha ni Apa dahil nga sobrang clueless niya. Nagiguilty tuloy ako. 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon