Chapter Forty Three

60.2K 1.5K 464
                                    


SPG - FOR 18 YEARS OLD AND ABOVE ONLY (KIDS, TULOG NA!)

Chapter Forty Three

Present

Ubiquitous

We just got married.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala, pero mas hindi makapaniwala families namin pati na rin mga pari, nuns, at lalong lalo na sila Father Santi at Doms dahil na-witness nila ang pag-laki ni Apa. Everything felt surreal! Parang ang bilis kahit nasa tamang edad na kami. 

Para raw kaming lasing na bigla na lang gagawa ng bagay na hindi man lang pinag-isipan. I had thought about it a lot, though. While walking down the aisle, I was smiling really wide. When my parents hugged me, I began to cry and couldn't stop wishing uncle Julius was there.

Within our one-week wedding preparation, parehas kaming walang tulog at stressed dahil bukod sa wedding, busy rin kami maging doktor, but what could we do? Love had no boundaries. Apa and I could do everything.

We only invited a few people. My family, his family, and our closest relatives (his nieces and nephews, Auntie Lynne, and my four cousins). Kasama nga rin pala si Kyrel. He was our ring bearer.

I asked Kuya Luke not to tell Bianca and others about it yet. Gusto kong kami ni Apa ang magsabi sa kanila personally. We would get married again, but for now, low-key muna. Marami pa kaming kailangan ayusin. Sigurado naman akong maiintindihan nila.

After the wedding, we rented a house in a very peaceful subdivision. Maraming puno at walang halos dumadaan na sasakyan. Kung pwede nga lang, doon na tumira forever. Since may pasok pa kaming dalawa the next day, humanap kami ng malapit lang sa hospital ko at hospital niya.

Nag dinner lang kami at umalis na rin sila. Ang tawagan na nga ng parents namin, 'balae' na. Lahat sila, masaya. Nakakakaba maging masaya dahil baka kinabukasan, may problema na naman.

Pero ayoko muna isipin ang bukas.

Speaking of our parents, nagulat sila dahil ang bilis daw masyado ng preparation namin, pero hindi sila nabigla noong nag decide kaming magpakasal.

Si Apa kasi! During those days na hindi niya ako kinausap, nagpaalam na pala siya kila Mommy at Daddy. Pinayagan naman siya. They were really happy for us. Tumulong pa nga sila sa pag-aayos ng papers.

Malaki ang bahay. Sa labas, two-storey lang siya, pero pag pasok, may tatlong floors. Nasa 2nd floor yung living room at kitchen. Sa baba naman, patio and garden. Sa garden kami kumain with our families and relatives. Sa 3rd floor, may tatlong bed rooms.

The owner of the house was kind enough to help us with anything. The view from the house was divine. Everything felt comfortable except...

"Let's clean this up?" I cleared my throat.

Kaming dalawa na lang ang nasa bahay.

Tumango lang siya. We were about to clean everything up, but the helper showed up. Siya na raw ang maglilinis. She even gave us a bottle of wine. Pinabibigay raw ng owner sa amin.

After she finished cleaning, she said she needed to go home already. Bibigyan na raw niya kami ng privacy. Hinahanap na rin daw kasi siya ng mga anak niya. If we needed help, she was just a message away.

Tiningnan ko yung wine. May nakalagay pang, 'Congratulations on your wedding!'

Oh fudge!

We were left alone. Completely alone. I gulped.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon