Chapter Twenty Six

61.2K 1.4K 240
                                    

Chapter Twenty Six

Past

Months ago...

"Hindi na lang ako babalik." Paulit-ulit ng sinasabi ni Apa na hindi na lang siya babalik sa Pilipinas. Na hindi na lang niya kikitain si Ags. Na mas okay na siya sa Canada. Ang totoo, natatakot lang siya. Natatakot siyang harapin si Ags. Ang dami niyang tanong. Ang dami niyang 'paano' at 'ano'.

Paano ko siya haharapin? Paano ko siya titingnan? Anong sasabihin ko pag nakita ko siya? Paano kung hindi ko na siya mahal? Paano kung sila pa ni Ygona? Paano kung hindi pala naging sila? Paano kung hindi na sila?

Paano kung mahal ko pa siya? Pagkakita ko sa kanya, paano kung hindi ko na naman siya kayang iwanan? Paano kung mahal niya pa rin ako? Anong mangyayari sa akin? Anong mangyayari sa kanya? Anong mangyayari sa aming dalawa?

There were too many questions in his mind. Natatakot siya at ayaw man niyang aminin, pero gusto na niyang makita si Ags. Hanggang sa mga pictures lang niya nakikita si Ags. Mas lalong gumanda ito. Ganun din kaya ang itsura niya sa personal? Nagbago kaya siya? Will she still avoid me?

When Gill gave birth last year, umuwi siya ng Pilipinas. Nasa isang lugar lang sila. Same place. Same time. Pero hindi sila nagkita. Parehas nilang iniwasan ang isa't isa. Nakita siya ni Ags, pero hindi niya nakita si Ags. Habang tumatagal, gumagaling siya magtago.

Alam ng lahat na uuwi siya sa buwan na 'yon, pero walang nakakaalam kung kailan kahit si Bri. Ang alam ni Bri, may girlfriend na si Apa sa Canada. Ayaw niya sabihing wala dahil makakarating na naman kay Ags. May boyfriend na siya't hindi na niya kailangan isipin pa si Apa.

Gusto niyang ipaalam kay Doms, pero alam niyang lagi silang nag-uusap ni Ags. He didn't want her to lie. Lie. Puro kasinungalingan dahil sa dalawang linggong nagtatrabaho siya sa ospital kung saan nagtatrabaho si Ags, wala siyang pinagsabihan na umuwi na siya.

"Lagi ka bang nandito?" Tanong niya sa batang nasa ilalim ng table malapit sa altar. Umupo siya sa harap nito para makita niya ng mas mabuti yung bata. Hindi siya umalis hangga't hindi umaalis yung bata. Hinintay niya ito magsalita hanggang sa nag kwento na ito.

His name was Kalvin. Tuwing natatakot siya, magtatago siya sa ilalim ng kahit anong table dahil doon ang comfort place niya. Lagi siyang takot dahil sa sakit niya, pero pag nasa ilalim siya ng table, nababawasan ang takot niya.

"I have a favorite doctor, but I'm scared right now. I'm scared of her. I'm scared of everyone."

"Who's your favorite doctor?"

Kalvin smiled shyly. "Dr. Agatha's really beautiful."

Natahimik siya. He was still scared to face Ags. Nagsisisi siya dahil sa ilang linggong nasa Pilipinas siya, hindi niya napaghandaan sasabihin o gagawin pag nakita niya ito. Kaya nga noong nakita niya si Ags na nakatayo sa tabi niya, habang nakaupo siya sa floor, he was dumbfounded.

He suddenly became cold. "Is he your patient?"

'What the fck am I doing?' He thought.

Umiling si Ags, pero sinabi niya sa doktor ni Kalvin na siya ang magbabalik nito. Napansin niyang takot na takot na si Kalvin dahil pagkarinig pa lang niya ng 'doctor' mula kay Ags, nanginginig at umiiyak na siya.

Ayaw siyang paalisin ni Kalvin kaya kailangan niyang mag-isip ng paraan. May pasyente na rin kasing naghihintay sa kanya. "Is she mean to you?" He knew it was not possible, pero kailangan niyang itanong 'yun. He had to leave.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon