Chapter Fifty Three

79.9K 1.9K 677
                                    

Chapter Fifty Three

Present

Zany

I smiled, then I frowned again. More than a week had passed, but he wasn't even texting or calling me. Tinawagan ko siya ng maraming beses, pero laging unavailable. Bakit? Tinapon na ba ni Lizzie phone niya?

Memorized naman niya sana yung number ko. Pwede siyang bumili ng bago. May Facebook, Twitter, at Instagram naman siya. Hindi ba niya nababasa mga messages ko? Kahit nga mga preso, nakakatawag sa pamilya nila. Bakit yung sarili kong asawa na wala naman sa kulungan, hindi ko man lang makausap?

I was so mad at him. Oo, maghihintay ako, pero gaano katagal? Oo, maghihintay ako, pero ngayon, hindi ko na alam. Galit na galit ako. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa kanya. Sobrang galit. Intense.

Paulit-ulit kong binabasa yung mga sulat niya para mabawasan galit ko, pero nadadagdagan lang lalo. Kaka-discharge ko lang sa hospital, pero hindi pa rin ako pwedeng pumasok kaya inuwi muna ako nila Kuya Luke sa bahay sa Manila. Sila Auntie Lynne at Mommy ang mag-aalaga sa'kin for the meantime.

Inhale. Exhale. Breathe in. Breathe out.

Binitawan ko yung mga sulat at lumabas ng kwarto.

"Happy birthday, Bach/Ags/AA/Recto!"

January 2 na pala. Nasa labas silang lahat ng kwarto ko-- my family and close relatives, Apa's family, my former bandmates, and my high school and college barkadas. Even Kyrel, Zoe, Abby, Dyma, Anthony, Kirk, and Sean were there.

I faked a smile. "Thank you."

Inakbayan ako ni Kuya Luke at binulungan, "Pwede bang kahit konti, ipakita mo naman sa amin na naappreciate mo yung surprise namin?"

Inakbayan din ako ni Leighton at binulungan. "Nandito pamilya ng asawa mo. Mahiya ka naman kahit konti."

I whispered back, "Wala akong asawa." I sighed, then I started to pretend and laugh loudly. "Thank you, thank you." Pumalakpak ako. Masaya akong nandito sila, pero hindi ako masaya na wala si Apa. Pag bumalik siya, hindi pa rin ako masaya.

"Wow, may cake." Lumapit ako kay Kyrel na may hawak ng cake. After kong hipan yung apoy sa kandila, kinuha ni Arvin yung cake kay Kyrel.

Kyrel hugged me and whispered, "Malapit na siyang dumating, mommy."

"Talaga?" I smiled—or I was just trying to.

I couldn't wait to kill him.

He nodded. "Malapit na malapit na."

"Paano mo nalaman?"

He giggled. "Secret."

I took a deep breath. Fine!

Bumaba kaming lahat dahil may hinanda raw silang mga pagkain. Hindi ko naman alam na ginastusan nila birthday ko dahil hindi kami sa bahay nag celebrate kung hindi sa function hall ng village.

Naalala ko, dito kami ni Apa laging pumupunta para mag-usap. From my life to his life to our relationship. Wala naman masyadong nagbago. Pininturahan nila yung mga laruan sa playground, pero mahahalata mo pa rin na luma na dahil sa kalawang sa hawakan ng swing. May mga nadagdag din na bago.

Nagulat ako dahil biglang lumabas sila Father at Doms pati na rin yung mga bata sa orphanage at cancer patients. Sabay-sabay nila akong binati, kinantahan, at yinakap.

"Pwede ka na talaga maging nanay, Bach!" Auntie Lynne laughed. Lahat sila, nagtawanan din.

Magiging single mother kaya ako?

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon