Chapter Seven

93.8K 2.5K 369
                                    

Monday na. Hindi ko alam kung bakit, pero pag galing ako sa province, mas maaga akong dumadating sa school. 3 AM pa lang, umalis na ako ng province. 6:30 naman ako dumating sa school kahit 7:30 pa naman pasok ko.

Pumasok na ako sa loob at nadaanan ko yung field. Nagpapractice na naman sila. Grabe, ang sipag talaga mag practice ng mga soccer players. Actually, lahat naman ng athletes, pero sila ata pinakamalala dahil sila nga yung champion. 

May dala akong 'thank you' gift para kay Briones, pero mamaya ko na lang pala ibibigay. Ayokong pumasok sa field pag naglalaro sila. Nahihiya pa rin ako sa nangyari last time. Feeling ko nga, ang dami ko ng haters dahil binato ko ng bola sa mukha idol nila.

"Excuse me, miss," May kumalabit sa akin. Pag lingon ko, tatlong babae na hindi ko kilala. Para silang nahihiya or something. 

"Hi. Bakit?" I asked. Sabi naman sa inyo mabait ako. Mukha lang akong mataray. Kasalanan ko bang pinanganak ako with a bitch face?

"K-kasi, ikaw ba yung girlfriend ni Lexter?" Tanong ng isang babae na nakaheadband pa. Uso pa pala ang makapal na headband sa panahon ngayon.

"Hindi, bakit?" Naguguluhan ako!

Mukha silang disappointed, "Huh? Sayang naman. Hindi siya nanliligaw?" Sabi naman ng babae na nakabun yung buhok. 

"Huh? Imposible yang sinasabi niyo," Tumawa ako. "Bakit niyo ba pinagpipilitan?"

"We saw him kasi last Friday tapos buhat ka niya. Sayang naman, you look nice pa naman together," Sabi naman ng isa. Buhat niya ako? Ibig sabihin, hindi si Briones kung hindi siya? Sinabi ba niyang si Briones yun dahil gusto pa rin niya akong i-build up kay Briones?

Obviously, yes.

"Saan niyo nakita?" I asked to make sure.

"Sa parking lot. Balita na kasi sa buong school yung ginawa ng professor sa'yo. Sinasabi kasi ng iba, si Dustin yung boyfriend mo since siya nag save sa'yo, pero hindi kami naniniwala kasi nakita namin si Lexter. He punched your professor, called someone, and carried you. We really saw it!" Nakita pa nga daw sila ni Apa at inutusan silang tumawag ng security.

"At wala si Brio- I mean, si Dustin?" Tanong ko.

Sabay-sabay silang umiling. Inexplain ko sa kanila na wala akong boyfriend at magkakaibigan lang kami. Sa sobrang curious daw nila kung sino boyfriend ko o kung may girlfriend ba sila Briones at Apa, hindi na sila nakatiis so they asked me directly.

"Ang bait mo pala," They smiled. Mabait naman kasi talaga ako, ano ba!

Nag punta na ako sa classroom, pero ako pa lang ang tao sa classroom. Nakapatay pa nga mga ilaw. Hindi ko naman binuksan dahil puyat ako at gusto ko pang matulog. Pinatong ko ulo ko sa kamay ko na nasa desk. Pumikit ako, pero si Apa nakikita ko.

Naiimagine ko siyang binubuhat ako sa parking lot papuntang clinic. 

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon