Chapter Twenty Nine

73.6K 2K 353
                                    

Next Saturday na yung finals ng Battle of the Bands. Next next Saturday naman yung finals ng soccer nila Apa. Makakalaban nila yung mananalo this Saturday. Final exams na rin namin after two weeks (2nd-3rd week of December) kaya sobrang busy na, pero wala pa ring makakapigil sa akin dalawin araw-araw si uncle Julius.


Sa gabi lang kami nagkikita ni Apa everytime dumadalaw siya sa hospital kasi may practice sila every morning and afternoon. Minsan, dinadalaw rin sila nila Bianca, Tigs, Briones, Dela Paz, at Ygona. Syempre, hindi mawawala band mates ko na employees ni uncle Julius.


Noong dumating nga sila mommy last week, kumpleto kami. Inuwi na nila si Yuki kaya mababawasan na naman ako ng kausap. Sinermonan pa ako ni mommy kasi puro daw lalaki kasama ko.


"Hindi mo mapipilit yang anak mo na yan," Sabi ni uncle Julius. "Kulang na nga lang, maging lalaki na rin si Bach eh."


Kahit nanghihina si uncle Julius, nagagawa pa niyang mag biro. Hinahanap pa nga niya yung wig na binigay ko sa kanya. Kainis! Masaya naman daw siya kahit ang kukulit ng mga kaibigan ko.


"Uncle, matulog ka na," Sabi ko sa kanya.


He smiled, "Bach."


I shook my head, "Wag mo akong dramahan. Iiwan kita dito, sige ka!"


Tumawa siya, pero ang hina at may kasamang ubo, "Iwanan mo na ako dito. May mga nurses naman. Manood na kayo ng concert ng boyfriend mo."


Unfortunately, hindi rin ako makakapanood ng Maroon 5. May emergency kasi sa province kaya kailangan umuwi ni auntie Lynne. Si kuya Luke, may work. Sila Leighton, Logan, at Louie naman, may pasok kinabukasan plus hindi pa sila college. Ako lang talaga ang free.


"Ayoko," Sabi ko. "Matulog ka na nga lang."


Mas pipiliin ko naman bantayan si uncle Julius kahit gustung gusto ko na talaga magpunta sa concert. Hello?! VIP kaya 'yun. Hindi naman nasayang kasi pinabenta ko kay Apa, pero gusto ko talagang manood.


"Ang tigas talaga ng ulo mo," Sabi niya.


"Kanino pa ba ako magmamana? Matulog ka na, uncle!"


Tumawa lang siya at hindi na nag-salita. Humiga muna ako sa sofa habang iniisip yung Maroon 5 at si Apa na nasa kasal ng kapatid ni sister Doms. Nasa reception na siguro sila. Ano na kayang nangyayari? Nilalandi na kaya siya ni Dianne? Ugh. Ano ba 'tong nasa isip ko?!


Tiwala lang, Agatha!


Bzzt. Bzzt.


Calling...

Karen Pamposa


At bakit siya tumatawag? Why?! Isa na lang talaga, magwawala na ako. Bakit ba nila ako ginugulo? Wala naman akong ginawa sa kanila. Ako na nga yung nagaadjust at lumalayo eh.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon