Chapter Forty One

67.8K 1.7K 433
                                    


Chapter Forty One

Present

Temerity

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Sean na nasa labas ng dorm namin. Nakasandal siya sa sasakyan niya. Ang hot ng doktor na 'to. Ang gago kasi kaya hanggang one-night stand lang siya.

He raised a brow. "Ano sa tingin mo?" binuksan niya yung pinto ng shotgun seat. "Enter the car."

"And why would I? You're wearing a polo shirt. Anong party ba pupuntahan mo?" tanong ko kahit alam ko naman kung saan siya pupunta.

"Just enter the fcking car." See? Gago na nga, masungit pa. He was so impatient. "Ihahatid na kita."

I shook my head. "Wala akong naaalalang nagsabi ako na kailangan ko ng driver." Kahit naman naka-long gown ako, kaya kong mag drive. "Plan na naman 'to ng magaling mong pinsan, no?" That guy! Literal na hindi niya ako kinausap. Kahit tawag o kahit isang 'I love you' man lang, wala talaga.

Kasalanan ko naman kasi masakit talaga yung sinabi ko, pero kaya pala niya akong tiisin. Masyado ata kasing mataas tingin ko pagmamahal niya sa'kin. Naka-ilang messages din ako, pero hindi marami dahil baka isipin niyang sobrang clingy ko. Nagpapa-miss ba siya?!

Gusto niya bang ma-realize kong hindi ko kaya na wala siya dahil sige na, oo na, aamin na ako. Hindi ko kayang makipaghiwalay sa kanya. I was just really stressed that day and I didn't know what to do.

He said we would see each other on the wedding, but he never told me he wouldn't talk to me. Akala ko ba naiintindihan niya?

"Pumasok ka na lang sa loob." Pumunta siya sa likod ko at dahan-dahan akong tinulak papasok ng kotse niya.

Habang nagdadrive, tinanong niya kung anong iniisip ko. Yung utak ko raw kasi, mukhang naiwan sa dorm. "Sayang make-up mo kung hindi ka ngingiti. Wait, scratch that. Don't dare smile at me." He cleared his throat. "Di pa ako nakaka-move on."

"Bakit sunud-sunuran ka na sa pinsan mo?" tanong ko.

He looked insulted. "Pinagsasabi mo?"

"You keep on following his orders."

"I'm not doing this for him." He shrugged. "Nakakasama kita tuwing may hinihingi siyang favor. Win-win. Quits lang."

I rolled my eyes. Ayoko ng pag-usapan. "Okay. How are you and Ari?" Noong araw kasi na kinwentuhan niya ako about sa mga nangyari kay Marcus, inaya ko siya mag dinner. Pag dating namin doon, Ariesa, a friend of Dyma, was already there. We set them up. "Sobrang bagay niyo."

His brows creased. "Not interested." Ganyang-ganyan din sinabi ni Bri noong sinet-up ko siya kay Joyce, pero tingnan niyo naman, ikakasal na sila ngayon. Nagiging cupid ako ng mga tao, pero sarili kong love life, di ko maayos.

"I heard from Dyma, nag-away agad kayo on your first date." Member kasi ng debate team si Ariesa noong college siya. Lawyer din siya at writer. Matalino at hindi nagpapatalo. Hindi kasi pwede kay Sean yung mga babaeng tatanga-tanga at madaling lokohin dahil panigurado, lolokohin lang niya sila.

According to Dyma, ni hindi nga nagsusuot ng casual si Ariesa. Laging corpo or formal. Anak mayaman din kasi. Very classy and witty. Nakaka-intimidate kausap at kasama. At least, mukhang may katapat na si Sean.

He covered my mouth with his hand so I removed it. Mukhang naiirita na siya. "Tama na 'yan. Gusto mong bumaba dito?"

Tinawanan ko lang siya at sinabihan siyang mag concentrate sa daan dahil ayoko pang mamatay. "Nagba-blush ka." Kaya siya ganyan kasi napahiya siya. He made Sean walk out on her.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon