Chapter Twenty

84.7K 2.1K 540
                                    

Author's note: Mali yung academic calendar ko, sorry! Nasanay kasi ako na May yung pasukan tapos pag dating ng September, 2nd term na tapos sa January, 3rd term. Hindi ko alam na sa isang year, may dalawang semesters. Dahil sa ASEAN, naging September yung pasukan tapos sa January yung 2nd sem. Hay, naguguluhan ako!

Kaya yung story na 'to, may sariling academic calendar. Hahaha! 2nd term na nila so September na sa kanila. 3rd term sa January at another year ulit sa May. Sorry kung magulo. Yun lang and enjoy reading! =))

Chapter Twenty

Sem break na namin at one week na rin akong tambay dito sa province kasama sila mommy, daddy, Arvin, Leighton, Logan, Louie, and auntie Lynne na asawa ni uncle Julius. Hindi naman masyadong strict si uncle Julius, pero si auntie Lynne, sobra! Lagi tuloy siyang niloloko ng mga anak niya, pero pag galit na galit na talaga si auntie Lynne, wala na, taob na sila. 

Bzzzt. Bzzzt.

Calling...

Poodle Cone

"Tumatawag na naman boyfriend mo?" Tanong ni mommy habang kumakain kami. Sa one week kong nasa probinsya, araw-araw akong tinatawagan ni Apa at sa isang araw ng isang linggo, halos buong araw kaming magkatext. Mabagal nga lang kami mag reply parehas.

Pinaguusapan namin? Wag niyo ng alamin. Puro walang kwenta.

"Hindi ko nga boyfriend," Sagot ko. Eh hindi naman talaga! Hindi ko nga alam kung nanliligaw siya. Iniba na niya kasi yung topic after namin after kong mapahiya.

Bakit ba kasi 'duh' pa yung sagot ko noong tinanong niya kung may pag-asa pa siya eh pwede naman akong magpakipot at sabihing 'hindi ko alam' o kaya naman maging honest at sabihing 'oo naman'? Ang labas tuloy, parang gustung gusto ko siya.

"Hindi 'NGA' boyfriend o hindi 'PA' boyfriend?" Tanong ni daddy. "Sabihin mo sa kanya, mamaya na yan. Kumakain tayo."

I sighed, "Opo." Nireject ko yung call at tinext ko siya na kumakain ako. 

From: Me

Message: Stop calling, we're eating.

From: Poodle Cone

Message: Nai-ryhme mo pa yun. Hahahaha! Ok. Wag mo ako masyado mamiss para makakain ka ng madami =))))

Message: <3

Message: ;)

From: Me

Message: ...

"Mamaya ka na mag text. Nasa kainan tayo," Bawal ni mommy. Ako pa yung napagalitan eh tatlong tuldok nga lang yung tinext ko. Weird lang talaga dahil sa kainan, si Apa pa rin yung topic. Sabi nila, ang bait daw ni Apa tapos sabi ni mommy, ang gwapo daw at bumagay rin yung long hair sa kanya. Sabi naman ni daddy, mas okay kung magpagupit. I agree with daddy!

Aaminin kong bagay sa kanya yung man bun, though.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon