Chapter Twenty One

84.4K 2.6K 656
                                    

Hindi ko gets kung bakit kailangan pa niyang sabihin sa akin na break na sila ni Marcus. Parang kailan lang, sinasabihan niya akong wag saktan boyfriend niya tapos ngayon, sasabihin niya sa akin na break na sila. Ano ba gusto niyang gawin ko? I-comfort ko siya? 


Gusto ba niyang sabihin kong, 'Okay lang yan. Makakahanap ka rin ng iba.' Gusto ba niyang sabihin kong nalulungkot ako para sa kanya? Kasi honestly, wala akong maramdaman sa balita niya. Hindi ako malungkot, pero hindi rin ako masaya. 


O baka kasi wala na akong pakielam sa kanila?


"So? Ano gusto mong gawin ko?" I asked, trying not to show any emotions.


"Ags, it's just that-" Hindi niya natapos sasabihin niya dahil kinuha ni Apa yung phone ko. 


Nilagay niya sa tenga niya yung phone, "Karen? Uy, Karen! Ikaw pala. Long time no talk." Kahit never naman sila nag-usap? Epal talaga 'to. "Ano? May sinasabi ka? Oh, ba't ka umiiyak? Ano? Ano? Sht. Nawalan na ata ng signal. Call you next time. Bye!" Pinatay ni Apa yung tawag at binigay sa akin yung phone.


He smiled, "Sabihin mo sa kanya, kung gusto niyang makipag-usap, puntahan ka niya at kausapin ka niya sa personal. Hindi yung dinadaan ka niya sa tawag. Ano ka, easy-to-get?" 


Tumawa ako, "Of course, not."


"Dahil?"


"Dahil ako si Alethea Agatha Figueroa Recto."


Pinisil niya cheeks ko, "Very good!" 


Buong week, pinipilit ako ni Apa na panoorin game nila. Noong Friday night nga, pinuntahan pa niya ako sa bahay. Hindi na siya ang tutor ni Louie dahil busy na nga siya, pero lagi pa rin siyang nasa bahay. Feel at home na feel at home lang. 


Si uncle Julius nga, si Apa na yung kinukulit kung ano status naming dalawa. Sa isip isip ko naman, chinicheer ko rin si uncle Julius. Dapat lang no. Gusto ko rin malaman kung anong status naming dalawa. Hindi nanliligaw, pero sobrang maalaga. Confusing!


"Ano, manonood ka na ba bukas?" Tanong niya. Pati nga si Bianca, pinipilit akong manood kasi wala daw siyang kasama. 


Gusto ko naman kasi talaga manood kaso may trauma na ako sa field ng school namin. Kidding aside, manonood naman talaga ako kung hindi lang sila Marcus kalaban nila. For sure, nandoon din sila Luis, BJ, Quintin, at AJ.


Pag chineer ko sila Apa, wala naman masama dahil school namin 'yun, pero baka isipin kasi nila Luis, nananadya ako. Kahit ano naman mangyari, naging kaibigan ko pa rin sila. Ayokong isipin nila na gumaganti ako sa kanila.


"Hindi nga ako manonood. Ba't ba ang kulit mo?" I sighed.


Yumuko siya, "Dahil ba sa kanya?"


"What?!" 


Inangat niya ulo niya at ngumiti, "Sorry. Naiintindihan ko naman. Siguro nga, mahal mo pa siya. Hindi na kita kukulitin, sorry ulit." It was a very sad smile.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon