Chapter Twenty Five

84.9K 1.9K 282
                                    

I love you? Mahal kita? What the heck! I was lying on my bed, thinking of that poodle and what happened that night. Hinalikan niya ako tapos sinabi ko sa kanyang mahal ko na siya. Psh. Malapit na akong magsisi na sinabi ko 'yun. Feeling ko kasi, 'yun ang dahilan kung bakit three days na siyang hindi nagpaparamdam.


5, 4, 3, 2, 1...


Tinakpan ko ng unan mukha ko. Okay, nagsisisi na talaga ako. Sila Tigs, Dela Paz, Briones, at Ygona nga nakakasama ko eh. 


Napaupo ako dahil may kumatok at nag bukas ng pinto ko. Napahinga ako nang malalim dahil si uncle Julius yung pumasok.


Ang pale niya at nanghihina siya dahil sa gamot, pero sabi naman ng doctor, he's doing better. Wala na rin siyang buhok. Niloloko nga namin siya. Binilan ko pa siya ng wig na mahaba at blonde.


Actually, suot niya nga 'yun ngayon.


"Elsa?" Tanong ko. Kamukha niya si Elsa ng Frozen. Binraid ko kasi yung wig niya para mukhang Elsa talaga.


"Yes, Anna?" Niliitan niya boses niya. Ang swerte swerte talaga ni auntie Lynne sa kanya. Walang bisyo, palabiro, matalino, at philanthropist. Kaya nga nagtataka ako kung bakit siya pa yung tinamaan ng cancer. Bakit siya pa?


Tumawa ako, "Iba ka na talaga."


He smiled and sat beside me, "Ano na namang problema mo?" Inakbayan niya ako. I hugged him and told him what my problem was. Sabi naman sa inyo, tatay ko na 'to eh. Tatay na, best friend pa. Complete package!


"Pero compared naman sa problema mo, wala akong dapat problemahin, diba?" Sabi ko after ko mag kwento.


"Hindi ka na bata, pero hindi ka pa din naman matanda. Natural lang yung mga ganyang problema," He rubbed my back habang nakasandal ako sa kanya. "Wag ka kasing masyadong paranoid, Bach. Ang lalaki, hindi mageeffort ng sobra kung hindi ka gusto."


"Bakit? Anong ginawa mo para kay auntie Lynne?"


"Hanggang ngayon, alam kong hindi pa niya nakakalimutan first love niya. Alam ko naman na mahal ako ng auntie mo eh. She sacrificed a lot for me and I am willing to sacrifice my whole life for her. Ganun ko siya kamahal."


I slightly smiled, "Buti ka pa."


"Wag mo kasing pangunahan. Just because your past boyfriend betrayed you doesn't mean the present will. Normal lang masaktan. Ang hindi normal, yung sadista at masokista. Three days pa lang naman kayong hindi nagkikita. Nasanay ka lang siguro na lagi kayong magkasama."


"Hindi naman sa ganun, uncle, pero iniisip ko kasi, naturn off siya-"


Tinawanan niya ako kakainis, "Tiwala lang, aba. Ang clingy nga nun sa'yo eh. Teka, oo nga no? Ba't biglang hindi na siya clingy? Nako, naturn off na nga 'yun sa'yo. Ang lakas mo daw kasi umutot."


Nanlaki mata ko, "Paano mo nalaman?!"


One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon