Chapter Three

110K 3K 420
                                    

During my highschool days, I was called the queen of friend-zoned dahil ang hilig ko daw mag friend-zoned. Some girls didn't like me since my boyfriend was the former MVP of our school and my friends were mostly boys.

Simula noong nag college si Marcus, yung team mates niyang sila Quintin, AJ, Luis, and BJ ang lagi kong kasama. Sila rin ang nagbabantay sa akin just in case daw na manlalaki ako. How ironic, right? Siya kasi ang nambabae. Pero bakit naman bestfriend ko pa?

Pag labas ko ng school, after kong batuhin ng bola sa mukha si Apa, I saw Quintin, AJ, Luis, and BJ. Nakaupo sila sa mahabang bench ng waiting area sa South gate. Tumayo sila noong nakita nila akong naglalakad palabas.

"Ags!" They called me.

Huminga ako nang malalim at pinuntahan sila.

"Ano? Pati ba tayo, break na rin?" Luis shook his head in disappointment.

Tinanong ko sa kanila kung sino ba ang nagtraydor sa amin. Hello? Alam naman nilang sila lang kaibigan ko sa school tapos itatago nila sa aking sila Karen at Marcus na? I asked them that night kung alam nila kung nasaan si Karen, pero anong ginawa nila? They hid it from me. Alam kong kaibigan rin nila si Karen, pero kaibigan rin naman nila ako.

"Sorry na, Ags," sabay-sabay nilang sinabi sa akin. Nagsalita si Luis, "Tuwing pinupuntahan ka naman namin sa bahay niyo, lagi kang wala. Nagpapractice ka sa banda o kaya naman nagtatrabaho ka sa restaurant ng tita mo."

Sa kanilang lahat, si Luis ang pinaka-close ko. Si Quintin naman, isa sa mga gusto manligaw sa akin dati, pero hindi ko pinayagan. Sila AJ at BJ parang kambal, pero hindi naman magkaano-ano. Sila AJ at BJ ang pinakamanyak sa lahat lalo na si BJ. Nasampal ko siya noong hindi pa kami magkaibigan dahil nahuli ko siyang nakatitig sa boobs ko.

"Wala na, tapos na 'yun. 'Wag niyo na lang uulitin," sabi ko kahit naiisip ko pa rin yung ginawa nila. I may forgive, but I never forget.

"May regalo kami sa'yo, pero dadalin na lang namin sa bahay niyo," sabi ni Quintin. "Sa ngayon, ito muna." May kinuha siya sa bag niyang stuffed toy na dolphin. Mahilig kasi ako sa mga hayop especially sa mga aso at isda.

"Agatha!" Napapikit ako sa narinig ko. Ice cream cone.

"Wag kayong titingin sa likod," bulong ko sa kanila. Nakatalikod ako kay Apa, pero alam kong siya 'yun. Hindi ko makalimutan yung boses niya noong binato ko siya ng bola. Hay, ang gaga ko talaga. Bakit ko ba kasi ginawa 'yun?!

"Magkakilala na kayo?" Tanong nila sa akin. Malamang, kilala nila si Apa. Piniling magaral nila Quintin, AJ, BJ, at Luis sa school kung saan nagaaral si Marcus. Therefore, rivals ang universities namin.

"Shhhh, 'wag kayong maingay," I told them. Hindi naman sila galit kay Apa pero kaibigan nila si Marcus kaya aloof sila sa isa't isa. Isa pa, rivals na rin sila. Hindi naman dapat pinipersonal mga laro, pero 'tong mga 'to, lakas maka-hate.

"Nakaalis na ba?" I whispered.

Nakita ko silang lumunok. Tumaas balahibo ko noong may nagsalita sa may leeg ko, "Pinagtataguan mo ba ko?" I closed my eyes, breathe in, breathe out, and slowly turned around.

"Hindi," sagot ko sabay kausap sa barkada ko, "Sige na, bye na! Salamat sa dolphin, ha?" Mabilis na akong naglakad. Narinig ko pa nga pangalan ko.

Tumawid ako at pumara na ng FX. Buti na lang at maraming dumadaan na FX. Umupo ako sa harap. Isasara ko na sana yung pinto, pero may pumigil sa akin at tinabihan ako sa harapan ng sasakyan. I gulped, acting like I didn't recognize him.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon