Chapter Thirty Four

42.4K 1.2K 36
                                    

Chapter Thirty Four

Past

Months ago...

"Nasaan na ba yung doctor love birds? Ay, according to them pala, hindi na sila love birds. Oops!" Nagtawanan sila sa sinabi ni Bianca.

"Kunwari lang yung dalawang 'yun. Tingnan mo, sooner or later, sila na ulit!" Karen told her.

"Pero 'di ba, may girl na si Apa sa Canada?" tanong ni Bianca saka tumingin kay Bri. "Kayo bestfriends ni Apa. Dapat alam mo."

"Malay ko!" Bri shrugged. "Wala rin akong alam, eh."

Sa proposal + engagement party nila Briones at Joyce, tumawag sila Apa at Ags sa kanila na sabay sila pupunta. 8 PM pa naman ang party, pero minadali nila yung dalawa para sure na hindi sila ma--le-late.

Lahat ng kaibigan nila, alam na may feelings pa rin sila sa isa't isa. Yung mga tinginan pa lang nila at pagiging denial, sobrang obvious na.

"Parang awa niyo na, future ko nakasalalay dito. Dalian niyo na, please?" Mangiyak ngiyak na pagmamakaawa ni Bri kila Apa at Ags. Halos lahat ng nasa hotel, pigil na pigil yung tawa. Hindi alam ng dalawa na naka-loud speaker sila.

"Oo na, oo na. Kulang na nga lang paliparin ni Yuki yung sasakyan eh."

Nagtinginan silang lahat noong tinawag ni Ags si Apa na 'Yuki'.

"Yuki?" tanong ni Bri dahil hindi siya makapaniwala sa narinig niya.

"May problema? Basta, bro. Wag ka ng mag panic, okay? Makakarating din kami diyan. Mga quarter to 7, okay na?"

Pagbaba ni Bri ng phone, tumawa sila ng tumawa at naisipan pag-tripan yung dalawa. "Hoy, Ygona. Naka-move on ka naman na, 'di ba? 'Wag kang KJ. Maki-ride ka dito. Pagselosin natin si Apa," Tigs suggested. Mga baliw talaga sila.

"Gago," Ygona cursed. "Wag niyo kong i-damay sa mga trip niyo."

"Dali na. Sagot ko gas mo!"

Kaya pagdating ng dalawa, inasikaso agad ni Ygona si Ags. Binigyan niya si Ags ng bottled water. "Uminom ka muna." Ngumisi sila nang makita nila expression ni Apa. Hindi man napansin ni Ags ginagawa nila, pero napansin 'yun ni Apa.

He thought, 'Pinagtitripan ba ko ng mga 'to?'

Pero kahit ganoon, hindi matatanggi ni Apa na bothered siya dahil noong binigyan siya ng bottled vinegar ni Ygona, ininom niya ito. Tumawa silang lahat, pero hindi na lang siyang nag comment.

White sleeveless chiffon blouse lang ang suot ni Ags. Napaiba ng tingin si Apa noong hinubad ni Ygona jacket niya at pinahiram kay Ags. When he looked again, he narrowed his eyes lalo na noong sinuot 'yun ni Ags at ngumiti. "Thanks, Yggy."

When did she call him Yggy?  

"Stop calling me Yggy," sabi ni Ygona.

"Yggy," Ags teased. Napailing si Apa kaya lalong nagtawanan at kinilig sila Bianca.

"'Wag ka nga!"

Kung hindi lang magpopropose bestfriend ni Apa, aalis na talaga siya doon.

Hindi lang kaibigan nila ang nakakakita 'nun kung hindi pati ang pamilya nilang dalawa. Habang close na close kasi si Apa sa family ni Ags, close na close naman si Ags sa family ni Apa. Kahit hindi na sila, mas nakikwento pa ni Apa si Ags sa kanila kaysa kay Liz.

Maraming beses, tatawagan ni Arvin si Apa para manghingi ng advice katulad na lang noong na-bully at na-basted siya. Kaya sobrang thankful din ng parents ni Ags sa kanya dahil kahit noong nasa Canada siya, hindi naputol ang communication niya sa kanila lalong lalo na kay Arvin.

The night after, sinundo ni Apa family ni Ags sa lobby ng hospital at yinakap silang lahat. "Na-miss ko kayo... lalo ka na!" Ginulo niya buhok ni Arvin.

"No, kuya Apa. Magugulo!" He pouted.

Tumawa si Apa. "Sorry. Tatawagin ko lang si Ags. Miss na miss na niya kayo kaya matutuwa 'yun pag nakita kayo."

"Salamat, anak, ha?" sabi ng mommy ni Ags.

"Wala 'yun, future mother-in-law!" Ngumiti si Apa at pinuntahan si Ags sa NICU. Nakita niya itong may binabantayan na bata at kinakausap ito. She looked so damn charismatic. Apa couldn't help, but fall in love with her again and again and again.

Nilabas niya yung phone niya at nagsulat, 'Very charismatic, Dr. Recto.'

When he saw her red cheeks and charming smile, he felt like melting. Hinintay niya si Ags lumabas sa NICU. Napatalon si Ags sa gulat noong nakita siya. Sobrang excited ni Apa para kay Ags dahil pagkatapos ng ilang buwan, makikita na niya ulit family niya.

And he was right. When she finally saw her family, she was so damn happy. Inaya pang kumain ng parents ni Ags si Apa. At first, nag-aalangan pa siya, pero wala naman mawawala, 'di ba? So, he agreed to join them.

Habang naglalakad sila ni Arvin...

"D-Do you love Ate Ags? Huh? D-Do you?" Arvin smiled, teasing Apa.

Inakbayan ni Apa si Arvin. Tumingin muna siya saglit sandali. Noong nakita niyang malayo pa sila Ags at mommy nito, tiningnan niya ulit si Arvin. Smiling, he answered, "Of course. More than she'll ever know."

Pinagitnaan ng daddy ni Ags at ni Arvin si Apa. "Narinig ko 'yun! Bakit hindi pa kasi maging kayo ulit?" tanong ng daddy ni Ags sa kanya. "Okay naman na kayo ah. May girlfriend ka ba?"

"Wala." Apa smiled. "Hintay lang, tito. Ako pa rin future son-in-law niyo."

Nagtawanan sila, habang sila Ags at ang mommy nito, walang ka-malay-malay at nagtataka kung anong pinagtatawanan at pinag-uusapan ng tatlo.

(A/N: Belated Merry Christmas and Happy New Year, guys! Thank you so much for everything. H'wag kayong mag-alala. Four updates 'to. This isn't the last update for today. Haha! Sorry kung natagalan, pero busy lang talaga these past few days and writer's block. Love you all!)


One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon