Chapter Nine

79.8K 2.3K 387
                                    

Saturday came. This is it! Makikilala ko na nililigawan niya. Malalaman ko na rin kung anong type niya. Kasi naman, kumpara sa mga friends niya, siya 'yung hindi masyadong tumitingin pag may nagsasabi ng 'Pre, tingnan mo. Chix!', 'Bro, ganda ng dumaan. Nakita mo?', 'Tol, sexy! Sundan natin.' Wala naman akong reaction.


Dati nga, ako pa yung pinapakuha ng number ng mga kaibigan ko. At least ngayon, wala ng kuhanan ng number. Kaso si Briones, may type ata na blockmate ko. Dahil nga torpe siya, tinawag ko yung blockmate ko at pinakilala sa kanila ni Apa. Yun nga lang, mukhang si Apa ang type ni blockmate. Manhid si Apa kaya hindi niya alam. Sure!


Maganda si blockmate, pero si Apa, wala man lang reaction noong pinakilala ko siya, eh si Briones nga, kulang na lang murahin ako sa sobrang kaba. Kaya nga gusto kong malaman type ni poodle. Baka mamaya, diyosa pala ang nililigawan niya kaya no reaction siya kay blockmate.


Nag dress ako, pero may sleeves naman yung dress ko at hindi bastusin. Bumaba na ako ng hagdan, "Apa, tara na!" Pagkakita ko, naglalaro sila ng PS4. Wow, may bago na naman laruan sila kuya Luke. Magkakampi sila kuya Luke at Leighton. Sila Apa naman at Logan ang magkakampi. Nanonood lang si Louie at tumatawa. 


"Saan?" Mukhang nakalimutan na niya. Busy rin siya sa paglalaro.


"Akala ko ba ipapakilala mo sa akin nililigawan mo?" I asked. "Ulyanin ka na talaga."


"Ah, oo nga pala, pero daan muna tayo sa bahay," Sabi niya.


"May nililigawan ka, pare?" Tanong ni kuya Luke sa kanya. "Ay, gago! Patay ako." Parang ang close close na nilang lima. Bumaba muna ako at tumabi kay uncle sa sofa. Nanood rin siya ng laro nila. 


"Saan ka pupunta?" Tanong ni uncle.


"Ipapakilala daw sa akin ni Apa nililigawan niya," Sabi ko. 


"Mukhang close na close kayo ah?" 


"Hindi masyado, uncle," Sumandal ako sa shoulder niya. Ilang minutes lang, nakikisigaw, mura, at tawa na rin ako sa kanila. Nakakacarried away naman kasi yung nilalaro nila. Ilang minutes pa, ako na yung naglalaro. Magkakampi kami ni Apa. Sila kuya Luke at uncle Julius naman magkakampi.


Wrestling nga pala nilalaro namin. 


"Ayoko na ayoko na ayoko na aaaaaah!" Mapapatay na sana yung character ko. Buti na lang, pinagtanggol ako ng character ni Apa. Sa huli, kami yung nanalo. Babawi daw sila kuya Luke at uncle Julius next time. 


Dahil nanalo kami, may gift certificate kami ni Apa sa burger resto ni uncle Julius. Binigay ko kay Apa yung sa akin dahil sawang sawa na nga ako. Tuwang tuwa naman siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan niya kahit kailan.


"Anong dadaanan natin sa bahay niyo?" Tanong ko. 


"Wala akong dalang pera. Gusto mo bang ikaw ulit gumastos? Pwede rin naman," Sabi niya. 


"Heh! Nagtatanong lang eh," I rolled my eyes.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon