Chapter Fifty Two

51.4K 1.4K 169
                                    

Chapter Fifty Two

Present

Habang nasa sasakyan sila Apa at Lizzie, palihim na nag spray si Apa ng pampatulog na siya mismo ang gumawa. Pagdating nila sa Batangas, sinalubong agad sila ni Kate, pinsan ni Liz. Binuhat ni Apa si Liz hanggang sa kwarto nito at hinintay hanggang magising.

Dahil mukhang matagal pa bago magising si Liz, lumabas muna siya at nag-usap sila ni Kate. She apologized on behalf of her cousin and made sure she wouldn't harm herself and anyone else again.

"Yuki, alam mo naman kung bakit nagkakaganyan si Liz, 'di ba? Alam mo naman yung pinagdaanan niya. Ikaw lang ang nakakaintindi sa kanya. Ikaw ang dahilan kung bakit siya sumaya ulit. Pinili niyang mabuhay dahil sa'yo kaya sana maintindihan mo kung bakit siya naging ganun noong nalaman niyang kinasal ka na. Mahal ka niya talaga at hindi ko siya masisisi kung bakit ka niya minahal."

Apa wasn't speaking. Hinintay niyang matapos sasabihin ni Kate.

"Pero kung ako rin ang nasa posisyon mo, maiintindihan ko kung magagalit ka sa kanya. Ang akin lang, sana... sana h'wag niyo siyang ipakulong. 'Yun lang ang hiling ko. Umasa siya na balang-araw, mamahalin mo siya pabalik. Aaminin ko, umasa rin ako na mahalin mo ang pinsan ko, pero hindi mo naman kasalanan kung iba yung mahal mo, 'di ba? Hindi natuturuan ang puso. Ang mali lang niya, nagpatalo siya sa emosyon niya. Alam ko naman na hindi mo siya pinaasa. Nararamdaman ko rin na hindi siya ang gusto mo. Kahit ganun, umasa pa rin ako. Parang si Liz."

He took a deep breath. "Sa totoo lang, tinatanong ko sa sarili ko kung anong ginawa ko para maging ganyan siya. Ang pakielamero ko kasi. Masyado ko ba siyang pinrotektahan noong nasa Canada kami? Did I ever treat her like she was more than my friend?" he grinned as he continued speaking, "Kung ako lang yung dating ako, I would definitely blame myself for what happened to her."

Kate gave him a soft smile. "Pero nag-iba ka na?"

"Someone made me realize I shouldn't blame myself too much." He smiled. "Sabi niya, hindi ko naman pasan ang mundo. She said I was worthy of her and I deserved her. That someone's obviously my wife. Her love has changed the way I perceive myself. She thinks highly of me. She thinks I'm the greatest man in the world, but clearly, it's just because I'm her man. And I don't want to disappoint the woman... my woman who believes in me and admires me more than anyone else. I'm too late, though. I've disappointed her a lot of times. Ngayon, nasasaktan na siya dahil sa'kin."

Kate smiled, noticing how in love Apa was.

He continued speaking, "I won't blame myself for Lizzie's actions, but to be honest, I don't blame her either. Depression kills. She can't control herself since she's been through so much. Her heart can't handle the pain anymore. Hindi ko siya ipapakulong. She's still my friend and I can't ever forget what she did for me, but I'm sorry, because I can't be there for her anymore."

Tumango si Kate. "Naiintindihan ko. Naiintindihan ko rin kung gusto mo ng umalis. Pag nakita ka niya kasi, baka hindi ka na niya paalisin. Baka lalo pang lumala. Kung gusto mo, mag-iwan ka na lang ng sulat."

Nag agree si Apa sa suggestion ni Kate.

"H'wag kang mag-alala, na-contact ko na yung kaibigan mong doktor. Mamaya, pupunta siya dito. Sorry talaga, Yuki. Ako ang pinsan niya. Ako yung kamag-anak. Hindi naman kayo dapat nadadamay dito."

She told Apa not to worry anymore. Sisiguraduhin niyang hindi na makakalapit si Lizzie sa kanila. Pag okay na si Liz, pipilitin ni Kate na sa lugar na lang nila mag trabaho.

Mas okay na rin daw doon dahil tahimik at pwede niyang dalin si Lizzie sa magagandang lugar malapit sa kanila para makapagrelax at makapag-isip-isip.

One of the Boys 1 & 2 (Published by Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon