//maraming typo. Hindi edited//
Nakasalampak na lamang si Anna sa kanyang inuupuan. Puyat na puyat buhat ng matapos ang party ng hating gabi. Nakitulog na nga lang siya kina Julia.
"Hayyy... nakakapagod, sis."
Nagtinginan si Julia at Anna at ngumiti. Mas lalo silang sumandal sa inuupuan.
"Anna?" Napa upo ng maayos si Anna nang makita ang lalaking tumawag sa kanya. Si Carlo iyon.
"Ca-carlo?"
Ngumit ang binata at isang alanganing ngiti ang sumilay sa labi ng dalaga. "You look tired," saad niya nang mapansin ang pagod sa mata ng dalaga.
Tumango lang si Anna at napakamot sa ulo.
"Hehe, nagparty si Julia kagabi, debut kasi," sagot niya sabay turo sa kaibigan na nakasandal pa rin sa upuan.
"Ahh, pahinga ka pag-uwi mo, ah. Ganda mo pa naman," kumindat si Carlo kay Anna na ikinagulat pa nito.
Hindi na siya nakasagot dahil tumungo na ang binata sa mga kabarkada.
Bigla siyang niyugyog ng kaibigan sa balikat. "Sabi na kasi may type siya sa iyo, eh!!"
Hindi kalakasan ang pagtitili ni Julia dahil alam nilang di malabong mapansin sila ng pinag-uusapang binata.
"Ayan ka nanaman, Julia, eh. Alam mo namang ganun talaga iyon kasi maraming nakapalibot na babae run."
Umiling iling lang si Julia. "Hay, naku! Nagpapakamanhid ka ba? Nagpaparamdam na nga si Carlo sa iyo, eh!"
Hinayaan na lamang niya ang kaibigan sa panunukso dahil kahit konti... parang wala lang sa kanya na tinutukso siya sa kanya. Naninibago lang si Anna sa ginagawa ng binata...
Tumango tango siya sa sarili. Tama, wala lang magawa si Carlo at nagiging magkaibigan na sila kaya naman normal na siguro sa binatang magbiro.
-//-//-//-//
Hindi nanaman siya pweding samahan ng kaibigan sa pag-uwi dahil dumating ang mga kamag-anak ni Julia na di nakarating sa debut niya.
Nang nakasakay na ang kaibigan ay nagsimulang naglakad si Anna patungo sa sakayan ng jeep.
Habang naglalakad ay nakaramdam siya na parang may sumusunod sa kanya. Kumabog ang dibdib niya. Nagbabalik nanaman ba siya? Nahalata kaya ng lalaki na 'di niya ginamit ang pakpak na ibinigay nito sa kanya?
Bumagal si Anna ng kaunti upang mas pakiramdaman ang sumusunod sa kanya. Bahagya siya lumingon na para bang may nakita sa kanyang kanan upang makasilip sa likod niya. Nang walang maunigan ay nagpatuloy siya sa paglalakad. May nakita siyang pakaliwang daan kaya't habang naglalakad na parang dederetso lang ay bigla naman siyang kumaliwa. Nagkataong may sasakyan pa rito kaya may naisip siyang paraan.
Sumilip siya sa salamin ng side mirror nito at nakitang may lalaki nga sa likod niya. Ngunit hindi ang lalaking inaasahan nitong makita.
"Carlo??"
Nilingon niya ang lalaki. Nakasandal na ito sa pader at kinakamot ang batok. "Nahuli mo ako, ah!"
Hindi alam ni Anna kung magiginhawaan ba siya o lalong kakabahan.
Hindi kaya, siya ang lalaking iyon?
Umiling siya sa sarili. Pero hindi naman siya iyong lalaking bumunggo kay Julia, ah... saka ...
"Oy! Sorry kung nagulat kita, Anna."
Bumalik sa kasalukuyan ang utak ni Anna. Palapit na sa kanya si Carlo at mukhang nahihiya pa ito.
"Mag-isa ka kasi kaya inisip kong, sabayan kita... kaso nahuli mo na ako bago pa kita tapikin... hehe. Lipad ang utak mo kanina, eh."
Napatango ang dalaga. Isang dipa na lang ang layo nila sa isa't isa at medyo di mapakali ang lalaki dahil palingon lingon pa ito sa pinanggalingan.
"Saka, di ba, rin naman ang sakayan ng jeep? Anong ginagawa mo dito?"
Kumurao ang dalaga at lumingon sa kinalalagyan nila.
Isang abandonadong daanan ito na patungo sa kung san. Siya naman ang napakamot sa ulo.
"Wa-wala. Sige, lika na sa paradahan...."
Tumango nalang ang binata at sinabayan ang dalaga sa pagbalik papuntang paradahan.
-//-//-//-//
Sa sasakyan ay nagsimulang magkuwentuhan ang dalawa. Karamihan ay patungkol sa pinagpuyatan nila Anna at Julia nung kaarawan ng nahuli.
"Sa debut mo ba?" Tanong ng binata nang maikuwento ng dalaga lahat ng paghahanda nila.
"Uhm, di ko alam. Pero ang alam ko, sa ibang lugar daw kami magcecelebrate," matamis na sagot niya.
Tumango ang binata. Nanahimik ito saglit na parang nag-iisip ng susunod na sasabihin.
"Uhm, Anna?"
"Hmmm?" Saad niya lang
"Nagka-nobyo ka na ba?"
Natigilan ito at kumunot pa ang noo. Meron ba?
"Wala."
Tamaas ang isang kilay ng lalaki na tila ba hindi naniniwala.
Tumawa tuloy si Anna. "Oo nga, wala."
"Pero,naghahanap ka?"
"Ng alin?"
"Nobyo."
"Eh, aanhin ba ang nobyo?" Napakamot ang binata sa tanong nito.
"Taga supurta. Taga ligtas...."
"Ah. Eh, meron naman si mama at papa, eh."
"Pero.. pag may nobyo ka... may tao kang makakasama sa tuwing mag-isa, siya ung magpapasaya sa iyo. Siya iyong magmamahal sa iyo. Siya pa ang puwedi mong mahalin ng buong buong... hanggang ikasal."
Kumunot ang noo ng dalaga.
"Ewan. Parang naman kaya ng gawing ng mga magulang ko iyang mga iyan. Sila ang magmamahal sa akin, sila ang proprotekta sa akin... sila rin ang nagpapasaya sa akin..."
Bumuntong hininga ang binata dahil hindi niya maipaliwanag ang nais niyang iparating.
Nagulat si Anna nang kunin ni Carlo ang kanyang kanang kamay at inilapat sa dibdib nito.
Naramdaman niya ang pagtibok ng puso ng binata kaya naman natulala siya. Nakalimutan na yata ng dalawa na nakasakay sila sa jeep at pinagtitinginan na sila.
"Ito, oh... para mahanap na niya ang kapares niya...."
Nagkatinginan sila at walang masabi ang dalaga.
"San Juan street!!"
Agad binawi ni Anna ang kamay at kumurap. "Di-dito na ako."
Hindi na naka angal ang binata dahil nakababa na ito. Hindi naman siya makakababa ngayon dahil nangako si Carlo sa kanyang tiya na doon muna matutulog hindi sa bahay na mas malapit sa dalaga....
Mamahalin mo rin ako, Anna. Mamahalin mo rin ako...
-//-//-//-//
Pinanuod niya ang di mapakaling dalaga mula sa kanyang balkonahe. Hindi niya nagawang sundang ang minamahal dahil may inayos pa siya para sa kanilang dalawa.
Kumunot ang noo nito nang mapansin ang kakaibang kinikilos ng minamahal...
ano bang bumabagabag sa isip ng aking sinisinta???
-//-/-//-/-//-//-
A/n: waley, oo. Haha. Pero isipin niyo... mahal ba ni Carlo si Anna at gusto niyang mahalin siya ng dalaga o may ibang balak?
Saka... ... sino nga ba si Carlo??
ABANGAN!
VOTE
COMMENT!! ~^O^~>>edited
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomantiekAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.