Pang Siyam na Yugto

9K 209 17
                                    

Third Person

Sabado at wala siyang pasok kaya't humigpit ang kanyang kapit sa kumot at nagpatuloy sa pagtulog si Anna.

Hay... makakatulog na rin ng mahimbing... walang problema... hayahay ang buhay... isip isip pa nito at ngumingiti.

"ANNA!"

*thug!*

Sa gulat ay nahulog si Anna sa gilid ng kanyang kama.

"Aray...."

Hinawi niya ang kumot na sumabay sa kanyang pagbavsak at nakita ang dahilan ng pagkakahulog niya. Si Julia.

"Ang gulo mo naman,eh," naantok niyang reklamo sa maingay na kaibigan.

"Anong magulo, may nakakalimutan ka yata, bestfriend!" Reklamo nito.

Kumunot lang ang noo ng dalaga at humiga nalang sa malamig na sahig dahil sa pagkabagot at antok.

"Birthday ko bukas! Birthday ko!!!"

Napabangon agad si Anna. "Ha?????"

Nagpout si Julia at dinapa ang sarili sa kama. "Naman, Anna. Nakalimutan mo agad?"

Nagkamot ang kakagising lang na si Anna sa ulo at tumungo. Sa dami ng iniisip niya ay nalimutan niyang kaarawan na ng kanyang kaibigan bukas.

"Pasensiya na, Julia. Pagod kasi ako, eh."

Bumuntong hininga na lamang si Julia sa dahilan ng kaibigan. Sabagay, parang namumutla ngang madalas ito, eh. Pero, mabuti na lang at nandiyan si Carlo paminsan minsan.

"Uhm, Anna....?" Saad ng dalaga nang may naalala.

"Mmm?"

"Ung tungkol sa inyo ni Carlo...-"

"Kung ano man ang tumatakbo sa isip mo, itigil mo. Magkaibigan lang ang turingan at magiging turingan namin. Huwag mo ng bigyan ng kahulugan, please?" Bagot na paliwanag niya saka tumayo na.

Tiningala siya ng nanunuksong kaibigan. "Weh? Balita ko, getting-to-know-eachother daw kayo, eh! Baka nagbabalak manligaw, ah?"

Umiling nalamang si Anna sa panunukso niya at itinupi ang kumot saka ipinatong sa mga unan niya. "Leave it, Julia."

Bumangon rin si Julia sa kama at nginisian ang kaibigang tumungo sa banyo. Deny pa, sis. Alam ko namang affected ka kay Carlo, eh.

Inabot ng kinse minutos si Anna sa pagligo at paglabas niya, kumukuteng teng ng kung ano ano si Julia sa wardrobe niya. Nanlaki ang mata ni Anna nang maalalang nakalagay ang pakpak sa likod ng wardrobe niya at nangangalkal ang kaibigan niya rito!

"Julia, anong ginagawa mo sa mga gamit ko?"

Pasimpleng sumingit siya sa pangangalkal ng kaibigan sa cabinet niya. Naginhawaan siya nang mapagtantong, di naaaninag ang kahon buhat sa pangangalkal niya.

"Naghahanap ako ng damit mo," sagot ng kaibigan.

Umiling si Anna. "Baba ka na nga lang, hintayin mo ako."

"Okay, kokey," saad nito at lumabas.

-//-//-//-//

"Yes, po, tita. Siya po kasi ang gusto kong kasama sa pagpipili, eh."

Naabutan ni Anna ang usapan ng kaibigan at ina sa sala nang bumaba siya.

"Aba, maganda na rin iyan para naman sa party rin niya sa susunod na buwan ay may ediya na siya," masayang tugon ng ina.

Bumuntong hininga ang dalaga sa iniisip ng ina. Mahirap magbirthday kapag ina mo ang parang celebrant.

"Anak!"

"Hi," bati nalang niya nang makita siya ng ina. Nilingon siya ni Julia at agad pinagpag ang tabi niya upang maupuan ni Anna.

"Sabik na ako sa magiging party ko, bukas, Anna!" Nanggigigil na saad ng dalaga habang pinipisil ang braso ng kaibigan.

"Halata nga eh" pabulong na saad ni Anna nang ilayo ang ulo sa kaibigan.

"Anna, naman. Malamang ganyan ang kaibigan mo, ano? Debut nung bata! Debut!" Saway ng ina sa kilos ng anak niya.

"Hihi! Tita, una na po kami ni Anna, ha! Kasi po may party pa kaming ihahanda!!"

Tumatawang pinahayo ng ina ang anak at ang kaibigan nito. "Hay, lumalaki na rin ang Anna ko.... Sana masaya siya," bulong ni Amanda sa sarili habang pinapanuod ang paalis na magkaibigan.

Nang makalayo ang dalawa ay sinara na rin niya ang pinto.

-//-//-//-//-

"Anna, anong bulaklak ang bagay sa akin?" Tanong ng kaibigan habang nag-iikot sila sa tindahan ng bulaklak. "Uhm... ito oh." Tinuro niya ang mga bulaklak na tila kurtinang nakabitin sa isang rack.

Napalingon ang kaibigan rito. "Eh? Bakit iyan?"

Nilapitan nila ang tinurong uri ng bulaklak. Kulay purple-pink ang bulaklak nito at ang mga vines nito ay kulay puti-kayumanggi.

//a/n:Nakita ko lang ung ganitong bulaklak(or plant) so, IDK sa pangalan.//

"Kasi dapat batang bata at maliwanag sa paningin ng mga bisita di ba?" Nakangiting saad nito sa kaibigan.

Nagkamot si Julia. "Eh, gabi naman ung party, eh."

"Edi ilawan sa ilalim ng lavender. Di ba, maganda sa paningin ang kulay lavender kesa sa pula para hindi masyadong adult."

"Uhmmm..... may point ka girl."

"Uhm, saka ung mga iyon!" Turo ulit ni Anna sa mga bulaklak na may mahahabang stalk na nakalagay sa mahaba at seksi na clear glass.

"Mukhang gustong gusto mo nang magplano, ah!" Naaaliw na komento ni Julia sa sigla ng kaibigan.

Inakbayan siya ni Anna. "This is for you, Julia. A way of thanking all those good times," madamdamin na saad nito.

Tinakip ni Julia ang hintuturo sa ilalim ng ilong niya. "Huwaw, drama mats?"

Kinurot lang siya ni Anna sa ilong. "Pasalamat ka magdedebut ka na kaya di kita papatulan!"

Nagtawanan ang dalawa.

---

napakasaya nilang tignan. Tunay na magkaibigan, walangkapintasan. Pero mababali rin iyon sa oras na angkinin na niya ang kanyang reyna. Alam niyang papalapit na ang takdang panahon para magsama sila.

Napangiti siya dahil nasasabik na siya sa magiging buhay nilang magkasama. Ang dugo niya ay mabilis ang daloy dahil sa antisipasyon.

Makikilala mo na rin ako, sinta. 'Di ka na lilingon pa dahil ako'y makikita. Antayin lamang ang natitirang sandali, maging ako'y di na mapakali.

-//-//-//-//
A/N: maikli lang pero, babawi ako. Patawad po kung matagal ang UD at maikli pa.

Sa next chap, hintay hintay...

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon