Yugto XXIII

5.2K 124 12
                                    

Dedicated kay @Glamorous_Angel

Sana magustuhan ang maikling UD na ito. Lamats^_^★

-~-~-~-~-~-~-~-~


Tahimik na nanuod itong si Alejandro sa pag-aasikaso ni Alex sa negosyo nila.

"Mukhang masipag ka ngayon, ah? Tanghali pa lang pero marami ka ng natapos."

INangat ni ALexander ang kanyang tingin sa ama na nakatayo pala sa may pintuan. "PA, hindi naman kayo nagsabi na lumuwas pala kayo," sabi niya at inilapag ang mga papeles sa mesa.

Umupo lamang si ALejandro sa mahabang sofa na nasa kabilang bahagi ng kuwarto at tinanggal ang kanyang fedora.

"Hindi na kailangan. Ayaw kitang abalahin, ngunit nakapagsabi si Federiko, ang ating pribadong imbestigador, na may pinaimbestega ka pa bukod kay Anna."

Bumuntong hininga lamang si Alexander at umiling.

"Pa, itong lalaking pinaimbestega ko ay isang hadlang sa pagsasama namin ni Anna."

NAg de qautro lamang ang kanyang ama. Hindi nito lubos na maintindihan kung ano ba ang nangyayari sa kanyang anak. Masyado itong obsessed sa babaeng ito.

MAging siya ay nangalap ng impormasyon patungkol sa kinababaliwan ng kanyang anak. 

Bukod sa si Anna Molina ang nag-iisang anak nina Amanda at Richard Molina ay pulis din ang ama nito.

Hindi lamang iyon, superintendent ang ama niya. MAtaas na iyong kung tutuusin.

At, napag-alaman din niyang lumipat si Anna tatlong taon na ang nagdaan matapos lang nitong magtapos sa mataas na pag-aaral.

NAgkarun ng kaibigan itong si Anna na nagpahiya sa kanya nung Valentine party nila. Ayon pa run ay matalik na kaibigan niya ito.

"PA, sabihin mo nga ang totoo, gumawa ka rin ba ng background check sa sinta ko?"

Tiningala siya ng ama. "Hindi na natin iyang maiiwasan, anak. Gusto ko rin namang makilala ang babaeng kinahuhumalingan mo."

Hindi nakasagot si Alexander nang may kumatok sa kanilang pintuan.

"Pasok," ani ni Alexander.

Binungad ng pinto ang kanilang pribadong imbestegador.

"Upo ka," sabi ulit ng binata.

Umupo naman ang nakakatandang lalaki sa kabilang sofa sa inuupuan ng kanyang ama.

"MAy balita ba tungkol sa pinapamatyag ko sa iyo?"

"Meron po. Napag-alaman ko na itong si Carlo Mendoza ay hindi naman konektado kay MA'am Anna maliban sa naging magkaklase sila ngayong taon lang. NAging magkaibigan na rin sapagkat minsan nang hinated ng binata si Ma'am Anna."

Naningkit ang mata ni Alexander sa balita. 

"At, nalaman ko rin po na lumipat itong si Carlo at ang kanyang pamilya mula sa America dito sa parehong araw na nakarating sina Ma'am Anna dito. Agad siyang sumikat nung unang taon niya sa koleheyo at ito ang mas nakakaintrega sa binatang ito."

Umayos ng upo agad ang mag-ama sa sinabi ng kanilang imbestegador.

"Mukhang malalim ang pagtingin ni Carlo kay Ma'am Anna dahil miminsan ko na po siyang nahuli na nangunguha ng litrato ni Ma'am Anna ng palihim at minamatyagan ito. Hindi man masyadong halata dahil kasama siya sa photography club nila at hindi naman ito pinapansin ng mga kabarkada niya. Para sa mga ito ay nahuhumaling lang ang kaibigan nila kay Anna."

Tumango lamang si Alexander. Pinagpatuloy ng imbestegador ang kanyang report.

"I did not take this lightly. I followed him until his home. Amazingly, napaka hightech ng kanilang bahay. Hindi madaling nakawan ang bahay nila. I needed to find a way to tap into their home. Naging kasabwat natin ang mga maids nila doon. Hindi na bago para sa kanila ang maglinis sa kung san san sa naturang bahay. Ang problema nga lang ay mahigpit din ang hawak sa kanila g pamilyang Mendoza. Lalabas lang sila kapag magbabasura. Hindi sila ang bumibili ng grocery. PEro nakahanap na tayo ng paraan para diyan."

Huminga ng malalim ang imbestegador. Bilib naman si ALexander sa galing ng kanilang pribadong imbestegador. Dalawang araw lamang nung pinagawa niya ang trabaho ngunit marami na itong nagawa para sa kanyang pinagawa. Tunay na karapatdapat sa kanilang mag-ama.

"SA ngayon ay hindi ko masasabi kung sino nga ba ang Carlo Mendoza na ito. Based on instinct, may nililihim ang pamilyang ito. MAy hindi tama. Masyadong nakakapanghinala ang mga kilos nila. Lalo na ang ama ni Carlo."

Kumunot ang noo ng mag-ama sa sinabi niya.

"At bakit naman?" tanong ni ALejandro.

"Malihim ito at madalang lumabas. MAy mga bisita sila na puro mag-asawa ang itsura. Mukhang seryoso ang mga kalalakihang pumupunta sa kanilang bahay. At kung lumalabas ang mga ito ay may hawak na envelops."

TUmango tango itong si Alejandro. Nakakapanghinala nga ito.

"Ito lamang po. Ngunit, agad ko kayong babalitaan sa mga nakalap ko mula sa mga kasama natin sa loob."

TUmango sila at tumayo na ang nakakatanda.

Umalis na ito at naiwang tahimik ang kuwarto.

Pinagdaop ni Alexander ang mga kamay niya sa ibabaw ng kanyang mesa.

"Sino ka ba talaga, Carlo Mendoza? "

-~-~-~-~-~-

MASABAW. dapat yata ang pamagat ng chapter na ito is, REPORT. haha, kasi puro mga nakalap na impormasyon lang.

PEro, ngayong narito si Alejandro, hindi ba mas lalong gugulo ang mga tao dito xD KAsi may issue din ang lalaking ito sa ama ni Carlo... hay..

All is set, you'll just have to relax and wait for IT to happen.

^_~ love lots!

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon