Masayang nagkuwentuhan ang tatlo habang nagmamaneho si Alexander.
Hindi muna pinapakita ni Alexander ang kanyang pagtangi sa dalaga dahil alam niyang maiilang ito sa kanya. Natuto na siya at masasabi niyang nakikila na rin niya ang kilos ni Anna.
Kahit sabihing mas madalas na imbestigador ang sumusunod kay Anna o nagbabantay ay alam niya kung panu kumilos ito...
Oo, kilalang kilala niya na.
At alam niyang hindi madaling suyuin ang dalaga para mapa sakanya. May prayoridad ang kanyang sinta at naiintindihan ito ni Alexander.
Kahit pa gusto niyang ariin ang sinisinta ay mahalaga sa kanyang masaya ang dalaga. Mahalaga sa kanyang kumpleto ang puso nito kapag mapapakanya.
Ganun ang pagmamahal na bumubuo sa pagkatao ni Alexander. Ito ang pagmamahal na itinuro ng kanyang ina nang kapiling pa niya ito.
"Mama, mahal mo ba si papa?" Tanong ng batang si Alexander sa ina habang nakatanaw sa langit.
"Oo naman," sagot nito at hinalikan niya sa noo ang kanyang anak.
"Paano po ba magmahal?" Nagtatakang tanong pa ulit nito. "Bakit mo natatanong?"
"Gusto ko po kasing malaman kung paano dapat. Para pag nagmahal ako... hindi na ako pakakawalan ng minamahal ko. Para hindi po magaya sa atin na iniwan ni papa." Mahabang salaysay nito.
"Napakalalim naman ng pinaghuhugutan mo, anak. Pero sa tingin ko ang pagmamahal ay ang pagsentro sa kasiyahan ng minamahal. Dapat balanse ang kagustuhan mong angkinin siya at ang kalayaan niya. Siyempre ayaw ng isang tao na nahahawakan sa leeg. Ikaw ba gusto mo ng ganun? Iyong laging hawak ng ibang tao ang kalayaan mo?"
Umiling iling ang bata. Ngumiti si Cynthia. "Kaya, anak kong Alexander, kapag nagmahal ka na huwag mong pairalin ang kagustuhan mo. Isipin mo ang kapakanan ninyong pareho sa sarili ninyong ayon."
Tumango ang bata at niyakap ang ina. "Tatandaan ko po mama."
At titiyakin ni Alexander na hindi siya ang magiging kalaban ni Anna kundi kakampi.
Dahil dapat kabiyak ako. Ako ang kanyang nawawalang pares. Siyempre kailangan kong panalunan ang puso ng aking sinta at palayasin naman ang mga karibal ko na pangsarili lang ang iniisip. Iyon ang tunay na pagmamahal.
××××××
Hehe. Ito oh, dugtong niya. Iyong isa ay ginawa ko kahapon. Kakagawa ko lang nito ngayon kaya part two =3.
Sana may natutunan kayong side ng ating dalawang stalker =P.
Sino ang bet niyo??
LOVE LOTS! ♥
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomanceAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.