Yugto XXVII

4K 96 14
                                    

Dedicated kay @Naflyn

~~~>>> random dedication ^_^ hehe

Magustuhan sana ang short UD na ito. Hihi

((Dedics will be per chapter na =) hindi na every now and then ))

×××××××××

Nanggigigil na nakahawak sa riles ng balkonahe si Carlo.

Badtrip naman kasi! Napakawalang kuwenta ng date na iyon. Bukod sa sipsip ang kaibigan ni Anna at hindi pa siya makaporma.

Bukas, isip isip niya. Bukas ay magbabalak ulit ako. Siyempre malapit na ang finals. Mahirap nang masamahan ang aking irog.

Ah! Lumiwanag bigla ang mukha ng lalaki. Alam ko na. Sasamahan ko nalang siya sa review. Kahit na isang asignatura lang ang hiwalay namin. At least masasamahan ko siya!

Tumatango tango pa si Carlo sa naisip.

Tumanaw saiya sa kalsada at napakunot siya ng noo.

Nakita ni Carlo ang isang pamilyar na sasakyan na dumaan.

Dahil sa naisip na baka si Alexander iyon ay agad siyang bumaba upang sundan iyon.

Matagal nang nangangati si Carlo sa katauhan ng Alexander Dakota na iyon. May kakaiba siyang nadadama sa presensya nito... lalo na ang tingin ng lalaki sa kanyang irog.

Kanyang kanya lang si Anna.

Malaki ang kumpyansa niya na nauna siya sa dalaga. Siya ang UNA. Siya ang karapatdapat.

Nakasuot lamang siya ng itim na hoodie at nakajogging suit din na itim. Nakasuot rin siya ng cap para mas matakpan ang mukha niya.

Maggagabi na kaya siguro sapat na ang kasuotan niya para hindi makita.

××××××××

Gamit ang bike ay sinundan niya ang sasakyan ni Alexander. Malayo ang agwat niya sa sasakyan para hindi pansin ang pagsunod niya

Nagulat lang siya nang makitang sa tapat nila Anna tumigil ang sasakyan.

Kinailangan niya oang lampasan ang sasakyan para hindi mapansin.

Nang makatigil siya sa di kalayuan ay nilakad nuya ulit pabalik sa kabilang bahagi naman ng sasakyan.

Nakita niyang bumaba si Anna mula roon. At pinagbuksan pa siya ng lalaki!

Hmph! Tama ang hinala niya.

Nakakainis na ang Alexander na ito. Kapag ako nagkarun ng pagkakataon, sisiraan kita kay Anna. Sa ganung paraan, lalayuan ka niya.

Napangisi si Carlo sa naisip.

Pero agad siyang naalerto nang anyayahan si Alexander sa bahay nila.

Aba! Ang swerte naman masyado ng hilaw na ito. Tsk, kailangan kong hilain siya pababa bago pa niya ako maunahan.

Umiling siya.

Mali, kailangan.... binubura ka na.

××××××××××

Sorry sorry kung ngayon lang ako nag UD at maikli pa. ><

Pero sana nakabawi kahit kunti. Hehe,

Sa tingin niyo.

Ano ang binabalak nitong si Carlo???

LOVE LOTS! *^O^* ♥

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon