Pang Sampung Yugto

8.5K 202 15
                                    

//maraming typo xD //

Inabot na sila ng gabi nang matapos ang lahat  nakaset up na ang mga plano. Bukas ay aayusin nalang nila ang venue.

Tuwang tuwa ang kaibigan ni Anna habang hinahatid siya sa pag-uwi. Walang pigil ang kanyang pagdadaydream ng magiging kalalabasan ng kanyang kaarawan.

"Okay na ang damit, ang bulaklak, ang ayos ng venue..." saglit na nag-isip pa ang dalaga kung ano ang natapos na nila.

"Uhmm, maging invitations naka set na..."

Hindi na nakinig si Anna sa sinasabi ng dalaga. Nakatanaw na lamang siya sa bintana kung san mabilis na nadadaanan nila ang mga poste ng ilaw at mga bahay bahay sa kanilang compound.

Pakiramdam ni Anna ay may kulang. Parang ang tahimik ng araw niya ngayon. Dapat nga masayahan siya dahil hindi niya nararamdaman ang pagtitig ng kung sino sa kanya.

Pero bakit ganoon? Parang nakulangan siya. Parang hinahanap niya.

Napaungol siya dahil sa inis. Ano bang problema niya?! Ayos na nga oh! Tinatantanan na siya ng kung sino man iyon....

"Anna, ayos ka lang ba?"

Napalingon si Anna sa kaibigan. Halatang nagtataka ito sa kinikilos niya. "A-ayos lang ako," sagot niya.

"Uhm.., andito na tayo."

Lumagpas ang tingin ni Anna at natanaw niya ang gate ng kanilang bahay. "Oo nga," nahihiyang saad niya.

Bumaba si Anna at tinungo ang gate. "Ingat, Julia!"

Winagayway ng kaibigan ang kamay bago sumigaw, "bukas, ha!"

Tumango na lamang si Anna sa papalayong sasakyan ng kaibigan.

-//-//-//-//-

Hinayaan na lang ng ina ang anak na pumanhik sa kanyang kuwarto dahil pansin nito ang pagod ni Anna.

Saad pa nga ng dalaga na kumain na raw sila ng hapunan kaya't huwag na siyang antaying bumaba.

Binagsak ni Anna ang bag sa kanyang mesa at tinungo ang kanyang kamay.

Dumapa siya at pumikit saka nagpawala ng mabigat na hangin. "Ano bang problema mo, Anna?" Bulong niya sa sarili.

-//-//-//-

Nagising ang dalaga na masakit ang ulo. Hindi siya nakapagpalit kagabi dahil parang napakabigat ng katawan niya.

Ito ang hindi niya maintindihan. Hapong hapo ang kanyang katawan ngunit mas pagod naman ang kanyang utak. May bumabagabag sa kanya at hindi niya alam kung ano nga ba iyon.

Bumuntong hininga siya nang makitang alas sinko palangng umaga nang magising siya.

Tinungo niya ang banyo at naligo nalamang. Dadaan pa ang kaibigan niya mamaya kaya mas mabuting nakahanda na siya.

Medyo malamig ang tubig kaya nagising ang kanyang katawan at nakapagpahinga ang kanyang utak.

Habang nagpupunas ng buhok ay tinignan niya ang cabinet niya. Anghel....

Umiling siya nang malala ang mga sinulat ng mysteryosong tao sa kanya.

Pagkabukas niya ng cabinet ay nagring ang cellphone niya.

Nilingon niya ang bag kung san di pala niya nilabas ang cp mula rito.

Hinalungkat nito ang bag at nahanap niya ang tumahimik sa cellphone sa isang bulsa.

Isa siyang mensahe sa di kilalang numero....

-/-/-

Umalerto ang buo niyang katawan. Halo halong damdamin.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon