Nadelete po ang first draft ng Chapter na ito kaya nadelay. Pasensya na po~~
This chapter is dedicated to MsDummyBear, thank you for reading and voting!
_________________________________
Dinala si Anna at ang kanyang ina na si Amanda sa isang malawak na kuwarto. Maliwanag dito at pinalilibutan ng mamahaling chandelier sa itaas. Napakataas ng kuwarto kung hindi siya nagkakamali ay isang bulwagan dahil sa lawak nito.
Pinapaligiran rin ng mga lalaking armado at nakaitim ang buong paligid. Hindi maitatanggi ang takot na nararamdaman ng mag-ina habang buhat sila ng dalawang naglalakihang lalaki at dinadala sa dulo ng kuwarto.
Nagulat pa siya nang maramdaman ang malambot na upuan kung saan siya iniwan. Isang mataas na upuan na pinalilibutan ng maliliit na diamante ang kinauupuan niya at napansing apat ang upuang naroon. Sa mas mababang upuan na nasa kaliwa niya ay naka-upo ang kanyang ina at nakatingin sa kanya na may pag-aalala. Tumango si Anna at sa pamamagitan ng mata ay pinahiwatig niya na okay lang siya.
Sa kanya namang kanan ay may upuan mas mataas sa kanya. Sa pinakadulo naman ay may mas maliit ring upuan na gaya ng kinauupuan ng kanyang ina.
Kung hindi pa nga siya natatakot ay hindi siya magkakamaling isipin na isang trono ito at ang kinauupuan niya ay kung san nararapat na naka-upo ang isang reyna.
Sino bang may pakana nito? Sino ba ang hari na uupo sa kanyang tabi?
Kinilabutan siya nang maalala ang kanyang mysteryosong stalker. Siya kaya? Eh, sino pa nga ba, di ba?
Ang magagawa niya na lang ay ang ihanda ang sarili dahil baka ito na nga ang takdang panahon na laging binabanggit ng kanyang mysteryosong stalker. At ngayon niya makikilala kung sino ito...
=========================
Hindi makahintay si Alexander na makapasok sa loob ng malawak na lupain at mahanap si Anna sa loob. Kailangan pa niyang makipaglaban sa labas ng nagtataasan pader dahil ang mga magagaling na Javier/Mendoza ay naglagay ng mga tauhan nila roon at iyon ang kinakalaban nila ngayon.
Kanila lang siya nakarating kasama ang Infinite maliban kay Aries at Hayden. Sila ang naging hudyat para lumusob na ang iba't ibang partido na nakalibot sa buong lupain.
Ang problema ay hindi sila agad makakalusot sa mga tauhan ginilagay ng mga Javier/Mendoza sa labas ng mataas na pader na nakapalibot sa pinakamahalagang parte ng property.
Buwisit na buwisit si Alexander habang nakikipagpatayan sa mga tauhan ng Javier/Mendoza. Sa bawat taong napapatay niya ay isang hakbang sa paglapit niya sa kanyang minamahal niya. Hindi niya alam kung mapapatawad siya ni Anna sa bawat pinapatay niya pero ang nasa isip niya lang ay para ito sa kanya.
Iyan na, ilang mga tauhan nalang ang papaslangin niya at maaari na siyang makapasok. Napawi ang kanyang pagod nang mapagtantong napakalapit na ng kanyang iniibig. Nasa kabilang bahagi lang siya ng pader na ito at hindi niya hahayaang ang mga lalaking ito lang nag makakapigil sa kanya.
Sa huling pagputok ng kanyang baril ay malaya na siyang makaka-akyat sa mataas na pader. Naglabas siya ng instrumento na magiging tulay niya sa pag-akyat. Nang masiguradong nakakapit na ang hook nito ay inakyat niya ang lubid para makapasok.
Nahirapan siya sa pagbaba ng mataas na pader kaya kinailangan pa niyang maglakad sa taas ng pader para maabot ang pinakamalapit na puno na maari niyang daanan. Isang talon ang ginawa niya at naabot niya ang sanga ng puno.
Nakalusot siya sa loob at napabuntong hininga nang makitang marami pang tauhang nakabantay sa paligid ng mansyon. Mabuti nalamang at madilim sa kanyang kinaroroonan kaya't hindi siya nahuli ng mga ito.
Unti unting dumadami na ang nakakapasok sa pamamagitan ng mga lubid at napansin na ng mga kalaban ang mga iyon kaya't nagsimula na silang magpaputok. Ang ilan sa mga tauhan ng Dakota ay napatumba ng dahil roon at ikinagalit ni Alexander iyon kaya gamit ang baril na kakareload niya lang ay pinaputukan niya ang mga ito.
Lumipat sa posisyon niya ang ibang mga namamaril. Tinakbo ni Alexander ang gilid ng pader para hindi maabutan ng mga bala. Nagtago siya sa mga puno para hindi rin matamaan.
Mabuti at naging sapat ang distraction na iyon para makasugod ang mga kasamahan ni Alexander. Binuksan din nila ang gate dito kaya't ang iba ay doon na dumaan. Dalawa lang ang gate kaya't kinailangang maglubid pa rin ng iba para makapasok.
Bumaha ng dugo sa paligid ng mansyon.
==================================
Nagulantang si Anna at si Amanda nang bumukas ang malawak na pinto sa malayong tapat ng kinaroroonan nila.
May matandang lalaki na nasa gitna ng dalawang pila ng mga lalaking armado at naka itim gaya ng mga lalaking nakapaligid sa buong kuwarto.
Hindi makapaniwala si Anna nang lumantad naman ang mas batang lalaki na kaedad niya sa likuran ng nakakatanda.
Hindi lang iyon ang ikinagulat ni Anna dahil ang lalaking lumantad mula rito ay si Carlo.
Palakas ng palakas ang tibok ng puso ni Anna habang papalapit ang mga ito. Tumigil naman sa gitna ng kuwarto ang mga armadong lalaki habang nagpatuloy ang dalawang lalaki. Nakacasula lang si Carlo habang nakapormal ang nakakatandang lalaki.
Ang nakakatakot pa kay Carlo ay ang malawak nitong ngiti habang deretso ang tingin sa kanya.
Siya ba? Siya ba ang mysteryosong stalker ni Anna na hindi nagpapatulog sa kanya simula pa noong tatlong taon na ang nakalipas? Si Carlo?
Nasa tapat niya na si Carlo nang hindi niya napapansin. Inilayo ni Anna ang kanyang mukha kay Carlo hanggang mapasandal na siya sa upuan. Lalo lang inilapit ni Carlo ang kanyang mukha kay Anna ngunit nakangisi na ngayon.
Nagsitaasan ang kanyang mga balahibo habang pinagmamasdan ang lalaking hindi niya naman lubos na nakilala at hindi naman talaga nakilala.
Hinawakan ni Carlo ang baba ni Anna at saka ini-angat paharap sa kanya. "Na-miss mo ba ako?"
===============================
Dito na po muna ang yugtong ito. Patawad kasi ngayon lang. Nawala ang chapter na dapat dito, eh. Pero, sa tingin ko mas direct ito kesa sa una.
Enjoy and criticize.
LOVE LOTS!

BINABASA MO ANG
Obsessed
RomantizmAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.