Yugto XX

5.9K 150 8
                                    

/hindi edited/

~~dedicated kay... sa lahat =P lam niyo na, kasi binabasa niyo ^_^♥

~~~~~~~~

Hinarap ni Alexander ang kanyang pribadong imbestigador habang naka de quatro at seryoso ang tingin dito.

Sa edad niyang nineteen ay masyado siyang seryoso sa lahat ng bagay. Iyon ang tinuro ng kanyang ama sa kanya kapag negosyo ang napag-uusapan.

Pero hindi negosyo ang usapan nila ngayon. Kundi tungkol sa sinisinta niyang si Anna.

"Anong balita?"

Inilapag ng kayang imbestigador ang mga nakalap niyang impormasyon sa mababang mesa na nakagitna sa kanila.

"Basi sa mga naka ulat diyan, nakaranas si Anna ng kakaibang trauma nung unang kalahating buwan niya rito. Hindi siya makatulog nun dahil nakakadama siya ng pagsunod at pamanman sa kanyang pagkilos."

Nanggigil agad si Alexander sa narinig niya. Sino itong nangangahas na hamakin ang aking reyna?

"Ano pa?"

"Simula nun ay lagi nalang siyang sinasamahan ng kanyang ina o ama sa kahit san man siya pumunta. Minsan na rin siyang binantayan ng isa sa mga tauhan ng kanyang ama na nasa mataas na awtoridad sa pulisya. Kaso, mukhang lalong natakot si Ma'am Anna kaya't napilitan ang ama na patigilin ito."

Naningkit ang mga mata ni Alexander sa malayo. Lampas ang kanyang tingin sa tauhan habang palihim na plinaplano ang pagpatay sa hayop na nananakot sa kanyang sinisinta.

Pinapangako ko sa aking sarili, mahal ko. Hindi ko na hahayaang takutin ka ng hayop na iyon!

"Ahem," putol ng imbestigador sa kanyang pag-iisip.

"Patungkol nga po pala sa pinapacheck niyo na si Carlo Mendoza..."

"Anong nahanap mo tungkol sa lalaking ito??" Mabilis na singit ng binata.

"Ahem. Nasa kalahati pa lamang ang nasagap namin patungkol sa kanya. Mga basic details lamang ang aking nakukuha sa ngayon."

"Ayos lang iyan."

"Nag-iisang anak si Carlo Mendoza. Ang kanyang pamiya ay naninirahan sa isa sa mga bahay sa dulo ng parehong subdivision na kinatatayuan ng bahay nila Ma'am Anna. Isa pa'y hindi ganoong kalat ang trabaho ng kanyang ama ngunit kilala ang ina niya bilang sugarol at wastay sa pera."

Tumang tango lang ang binata sa impormasyon.

"Gusto kong bantayan niyo ng maiigi ang lalaking iyan. May kutob ako na hindi lang niya inopormahan si Anna sa eskuwelahan nila."

Tumango rin sa kanya ang imbestigador.

-/-/-/-/-

Naka alis na ang imbestigador sa kanyang tahanan at hawak hawak niya ang mga dokyomentong pina hahanap niya sa tauhan.

Habang binabasa ang mga ito ay naka isip siya ng paraan upang malapitan lalo ang dalaga.

Kaso ang problema niya ay baka makilala siya ng kaibigan ng kanyang minamahal.

Nalantad kasi siya nung binangga niya ang dalaga nun sa eskuwelahan. Hindi naman kasi niya mapigilang hindi mainis sa panunukso nito. (Swerte niya at hindi siya nio nakilala nung nagpakita na siya sa kanyang iniibig)

Palaban na tao si Alexander lalo na sa gusto niya.

At hindi niya hahayaang may palihim na aagaw sa reyna niya dahil ngayong nagbalik na siya ay tiiyakin niyang kanya lang si Anna.

Hindi isang pipitsuging Carlo Mendoza ang makakahadlang sa kanyang plano.

Alam ni Alexander na kapwa silang palihim na umiibig kay Anna. Hindi siya tanga para hindi mapansin ang galaw ng binata nung magkasama sila ni Anna sa harap.

At kung tama ang hinala niya na si carlo din ang dahilan ng paranoia ng kanyang sinisinta ay ipaparanas niya sa binata ang tunay na kadiliman ng mundong kanyang kinagagalawan.

"Hello?....."

Kailangan niya ng isatuparan ang balak niya ngayong malapit nang mapasakanya ang dalaga.

★♡★♡★♡★♡★

Yipee- pahabol na UD ko ito dahil matagal nanaman akong hindi nag UD. Sana nakita niyo na kahit kunti kung sino ang gumawa ng ano, hehe.

Parang magulo pa rin xD. Di bale, aayusin natin yan.

Sa takdang panahon ^_~

Love lots!♥

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon