Yugto XXIV

5.4K 118 17
                                    

Maikli lang ito dahil marami akong projects =P .

Bawi nalang ako, guys ★

Neways, ang yugto na ito ay para kay @xo_Cold_Queen_xo =)

×××××××

Thursday:

Ngayon balak ni Carlo na yayain si Anna sa isang resto para makadate ito kahit hindi halata sa dalaga.

Hindi niya kasi nagawa kahapon dahil niyaya siya ng kabarkada niyang makipag-inuman. Kailangan naman niyang sumama dhil paniguradong makakahalata sila sa paglapit ni Carlo kay Anna lagi.

Mahirap nang mabisto.

"Anna?"

Lumingon naman ang dalaga sa kanya. "Oh, Carlo? Bakit?"

Nag-aayos ang dalaga ng mga reviewers niya na binalik ng ibang teachers nila.

"Uhh, yayain sana kitang kumain sa labas." Nagkamot pa si Carlo ng ulo habang tinatanong iyon.

Tiningala siya ni Anna. "Uhm, sige..."

Lumiwanag agad ang mukha ni Carlo sa tugon ng dalaga.

"Talaga? Oh, sige. Lika na," pagmamadaling saad ni Carlo.

Natawa lang si Anna. "Hindi ba natin isasama si Julia? Kanina pa kasi siya nagrereklamong gutom, eh"

Bahagyang nawala ang ngiti ni Carlo. Balak niyang solohin ang dalaga. Pero kung tatanggi naman siya ay baka hindi na sumama si Anna o baka mailang lalo ito.

"Oo nga, pards! Gutom na ako." Sumulpot bigla si Julia sa likuran ng binata habang hinahagod ang tiyan na parang gutom na gutom talaga.

"A-ano... siyempre naman!" Napilitang pag-ayon ni Carlo.

Bahala na. Ang mahalaga, kasama ko si Anna.

××××××××××

Dinala ni Carlo ang dalawang dalaga sa isang resto na hindi naman kalayuan ang kinalalagyan. Wala na ang balak niyang pang engrande kasi may third wheel.

Tiisin na lang muna niyang dalhin ang mga dalaga sa resto na ito. Kay Anna lang naman niya gustong mag effort, iba na kay Julia.

"Aba, ako na una mag order ah? Gutom na gutom na talaga ako, eh!"

Kinuha ni Julia ang menu na nakalapag sa mesa saka mabilis na iniscan iyon.

Tinago nalang ni Carlo ang iritasyon sa dalaga. Dapat moment nila ni Anna ito, eh. Bakit pa kasi kailangang sumama sama ng babaeng ito.

Kahit pa utang niya rito iyong araw na nahatid niya ang dalaga ay nabuwibuwiset pa rin siya.

"Uhm, teka, tawagin ko iyong waiter." Sabi nanaman nito.

"WAITER!"

Palihim na umungol si Carlo sa inis.

Dumating naman iyong waiter.

"Yes, ma'ams ang sir. Ano po ang order nila?"

Agad na nagtatalak itong si Julia. Hindi na yata inisip kung sino ang nag-ayang kumain. Hmph, KKB na mamaya, si Anna lang ang ililibre ni Carlo dahil sa katakawan ng kasama nilang third wheel lang naman.

"Oh, kayo naman?" Malapad ang ngiting saad ni Julia.

"Kala ko nalimutan mo nang meron kami." Saad ni Anna sa kaibigan.

Namalo ng mahina itong si Julia kay Anna. " ikaw naman! Hindi, ah. Siyempre gutom. Oh, kayo na," kumindat pang saad nito.

Umurdor nalang din si Anna at si Carlo.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon