Yugto XVIII

6.4K 148 26
                                    

Dedicated to GirlVodka dahil natumpok niya rin ng mas maaga. May nakakuha rin naman. Nahuli nga lang. Peace!

╭(′▽‵)╭(′▽‵)╭(′▽‵)╯ GO!☆ミ ☆彡

*not edited*

Bumaba si Julia sa isang shop at sinabing may kailangan pa daw kasi siyang bilhin kaya naiwan si Anna kasam ang kakakilalang tagapagtanggol.

Hindi maintindihan ni Anna kung bakit magaan ang pakiramdam niya sa lalaking ito kahit kakakilala niya lang dito.

Maya ay napansin ni Alexander ang kuwintas na nakasabit sa leeg nito.

"Ang ganda naman ng kuwintas mo. Sinong nagbigay?"

Napahawak si Anna sa kuwintas.

"Ah eh... pinadala lang sa akin..."ng kung sino.. isip isip niya.

Kumunot ang noo ni Alexander. May iba bang nanliligaw kay Anna nung hindi pa ako nakakabalik?

"Ah.. ganun ba? Oh, san ka na?" Tanong niya. Ayaw niyang ipahalata sa dalaga na alam niya kung san ito nakatira. Baka mapasubo na.

"Ah, punta ka run sa kanan oh... tas sa may red na gate, dun na ako."

Tumango tango si Alexander.

"Aba! May kalapitan lang pala tayo, eh. Dito ako, oh." Turo ni Alexander sa bahay niyang binili niya para lang mas malapit sa dalaga.

Namangha naman si Anna. Halos katapat lang eh!

Binaba na ni Alexander ang dalaga sa harap ng bahay nila.

"Ingat ka, Anna!"

Ngumiti si Anna kay Alexander.

"Oo naman. Haha, lapit lang oh."

Nagkawayan pa sila bago pumasok si Anna.

Tinitignan ni Alexander saglit ang gate at sumeryoso.

Kailangan niyang malaman kung may iba pa ba... maliban sa kanya.

-/-/-/-/-/-

Paika ika pang pumasok si Carlo sa bahay nila nang salubungin siya ng ina niya.

"Anong nangyari sa iyo, anak? Tignan mo nga ang sarili mo, puno ka ng pasa!"

Umirap lang si Carlo sa ina.

O kung ina nga ba ang matatawag niya rito. Isa lang naman itong display sa bahay nila, eh. Nagpapakasasa lang sa sugalan.

"Okay lang ako."

Nilampasan niya ang ina saka tumungo sa library nila kung san laging tambay ang tatay niya. Dun! Dun may mapapala pa siya.

Dahil sa mga magulang niya, ang tatay niya lang ang pinakamatino. Kahit pa masyadong malihim ang tatay niya.

Kinatok niya ang pinto at saka pumasok nang payagan siya ng ama mula sa loob.

"Oh, anong kailangan mo Carlo?"

"Pa. Gusto ko lang magtanong. May kilala ka bang Dakota?"

Nahinto ang ama niya sa pagbalik sa kanyang upuan ng mabanggit ni Carlo ang pangalang Dakota.

Aba! Hinding hindi niya makakalimutan ang pangalang iyon...

Dahil iyong ang lalaking umagaw ng minamahal niya.

-/////////////

Yeah! Haha. Sorry nanaman po sa maikling UD. Pahabol lang kasi fieldtrip namin bukas ^_~ baka di pa ako maka UD niya xD dami pa namang gagawin na.

UD soon ako. Iimpake lang ako! Haha. Wish me a safe trip ang thank u sa mga nanghula! Haha.

Ayos ba ang daloy? XD kakalito, ano ^_~ haha.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon