Dedicated para kay @LuluKyungsoo
×××××××××
Masayang pumasok si Alexander sa bahay ng kanyang sinisinta. Dati-rati ay sa malayo lang siya nakatingin, ngunit ngayon?
Nakapasok na siya!
"Hijo, muli ay ipinagpapasalamat ko ang pagtulong mo sa anak ko at kanyang mga kaibigan."
Umiling si Alexander at kay tamis niyang ngumiti.
"Ang pinaka ayoko sa lahat ay ang may inaapi lalo na kung kaya ko naman pong ipagtanggol," tugon niyang nakatuon ang tingin kay Anna.
Napansin iyon ni Amanda ngunit nanatili siyang tahimik.
Ngumiti na lamang si Amanda at pinapanhik ang anak upang magpalit muna.
Nang umakyat ang dalaga ay pinaupo ni Amanda ang binata sa sala.
"Ako nga pala si Amanda," pagpapakilala agad ng nakakatanda nang maka upo sila.
"Ako naman po ay si Alexander Dakota. Labing siyam pa lamang ngunit nagpapatakbo na ng isang kompanya," mahabang pagpapakilala ng binata.
Humahangang tumango si Amanda. "Napakabata mo pa pala."
"Ngunit sa panahon natin, wala nang halaga ang edad," makahulugang saad nito na may pinaghuhugutan.
Kumunot ang noo ni Amanda ngunit agad pinanumbalik ang gaan ng usapan.
"Hindi ko naman akalain na maari nang magtrabaho ang nasa edad mo? Nakapagtapos ka ba ng maaga, hijo?"
"Ah, hindi po. Ngunit ako'y tinuruan ng aking ama sa negosyo. Ang iba namang pampraktikal ay sariling pag-aaral na."
Ngumiti si Amanda.
"Nakakatuwa ka naman pala, hijo. Nais mo bang makasalubong ang ama ng aking anak? Tiyak na matutuwa iyon sapagkat pareho kayo ng paniniwala."
"Sa ano po?"
"Patungkol sa mga api. Siya'y parehong mag-isip. Hangga't maaari ay nais niyang mwipagtanggol silang lahat. Ngunit kung minsan ay tadhana na ang umaayaw na mailigtas niya ang ilan." Nalulungkot na mungkahi niya.
Nagtaka naman si Alexander.
"Po? Kung maaari, puwedi ko po bang matanong kung bakit niyo nasabi iyon?" Napayuko pa si Alexander upang lapitan ang nakakatanda.
"Hindi ko alam kong makakahabol pa, lalo't pababa na ang aking anak."
Mula nga sa likod ni Alexander ay dumating si Anna.
"Ihahanda ko nalang po iyong-"
Itinaas ni Amanda ang kamay niya upang patigilin ang anak.
"Naihanda ko na siya, anak."
Tumayo ito. Nakitayo na rin si Alexander.
"Linakayo sa hapagkainan. Darating na ang aking asawa."
Tumango si Alexander.
Sumunod na lang si Anna kay Alexander na nakasunod naman sa kanyang ina.
Nagtataka din ang dalaga kung anong napag-usapan nila.
Kailangan na lang sigurong antayin ang kanyang ama at kumpleto na sila.
-----
Hello po!
Matagal nga po pala akong hindi makaka UD ng maayos kasi malapit na ang exams at may mga proyekto pa ako. Pero, kung may oras man. Magdradraft po ako at saka i-UUD kapag humaba naman po at kapakipakinabang sa inyo. =)
God bless all of you po!
Love lots! ♥
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomantikAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.