//hindi nagproofreading//
- - - - - - - -
Kalagitnaan ng pagrereview nila ay may kumalabit kay Anna Paglingon niya rito ay may inaabot na papel ang kanyang kaklase.
"Para san?" Bulong niua.
Tinuro lang niya si Carlo. Napatingin siya run. Nakangiti si Carlo sa kanya at nilalabi niya ang mga salitang, basahin mo.
Kinuha na lamang niya ang papel at tumalikod. Binuklat niya ang nakatuping papel at binasa ang nakasulat....
Okay ka lang ba? Uminom ka ng tubig, ha, para di ka mainitan. Sabay tayong maglunch kasama si Julia. =)
P.S. galingan mo sa review ♡
Napakunot ang noo ng dalaga.
Anong sumapi kay Carlo at bigla siyang namimigay ng papel para lang may sabihin?
Gumilid pa ang ulo ni Anna dahil sa pagkalito sa kinikilos ng binata. Iyong totoo... pinagtritripan ba ako ni Carlo...
O may gusto nga siya sa akin?
Nanlaki ang mata ni Anna sa naisip pero agad naman iniling sa isip. Sus! Assume pa. Hindi naman mangyayari iyon, ano? Baka bumabawi nga. Magkaibigan na nga kami, di ba?
itinupi na lamang niya ang papel at tinabi. Kailangan pa niyang tapusin ang review paper na pa sample ng mga professor nila (hindi pa ako college kaya kathang isip lang ang curriculum na gawa ko xP)
Malipas ang 48 years... natapos na rin nila ang reviewers nila. "Hay! Sana lang talaga mataas makuha natin doon, Anna! Piga na ang aking utak. As in, dead cells nalang natira," pagmomonolouge ni Julia nang magkatabi na sila't nag-aayos ng mga gamit.
"Maganda na ring ngayon kesa sa exam ka napiga di ba?" Natatawang tugon ni Anna.
"Oo nalang, sis. Oo nalang," yamot na saad ni Julia.
May napulot si Julia na papel sa upuan ni Anna at kinuha iyon. Binuklat at lumawak ang ngiti nang mabasa ang nakasulat.
"Ayiiiieeee!!!!!"
Nagulat si Anna nang tumili si Julia at bigla siyang sinusundot sa tagiliran.
"A-ano ba Julia??? Ay! Wag kang nangingiliti!!"
"Hindi mo sinasabi sa akin, ha? M.U. na ata kayo ni Carlo, eh! Tignan mo nga, may pa heart heart pang nalalaman. Saka inaalahanan ka pang uminom ng tubig... ayie! Kinikilig ako, friendship!"
Nagawang makalayo ni Anna sa nakakatakot na panunusok ni Julia. "Heh! Kaibigan nga lang, Julia. Saka bakit ka kinikilig? Naiihi ka, ganun?"
Sumimangot si Julia. "Hmp! Ang bitter, ha? Ang bitter?? Dapat ikaw rin kinikilig, sis. Ikaw ba naman ang ma close up ng isang sikat?"
"Close up? Toothpaste?" Pamimilosopo nanaman ni Anna.
"Alam mo, Julia. Hindi ko priority ang love life. Saka ayokong lagyan ng malisya ang mga ginagawa ni Carlo. Hayaan mo nalang na siya ang magsabi ng kung anong pinaparatang mo sa kanya."
"Kay, fine."
Buhat ang mga sling bag nila ay tinungo nila ang canteen. "Anna!! Julia!!"
Agad silang sinalubong ni Carlo nang marating nila ang canteen.
"Carlo?"
"Di ba, sasabay ako sa inyo?" Saad ng binata nang makatabi na sila.
"Huh? Paano naman mga kaibigan mo niyan?" Nag-aalanganing tanong ni Anna.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomantikAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.
