Pang Apat na Yugto

15.2K 340 18
                                        

Dinala ako ni Julia sa mall matapos ang klase. Ipinagpa alam na niya ako kina mama kaya ayos lang na medyo gabihin kami. Dahil na rin ipinangako ni Julia ang pagtaxi namin pauwe.

Nasa isa kaming tindahan ng mga gowns at alahas. Kasalukuyang nagpapalit si Julia ng mga gown at narito lang akong tumitingin tingin. Wala akong hilig sa mga magagarang damit na katulad ng mga 'to. Ewan, allergy?

"Naku naman, Anna. Bakit kumukutingting ka lang diyan? Magsukat ka kaya, di ba?" Naaasar niyang saad sa akin. Namula ako dahil pinagtinginan na kami ng mga tao.

Nagkamot ako at saka nalang humugot ng gown. Taas kilay pa niya akong tinignan at tinulak sa dressing room...

Ilang saglit na tinignan ko ang nasuot kong gown.. okay lang naman.

Puti... mahaba... simple pero galante... parang... teka.. bakit parang costume yata ng anghel ang nahugot ko?

"Anna, ipakita mo naman iyan!"

Nagitla ako sa pagtawag ni Julia. Huminga ako ng malalim bago ko hinawi ang kurtina ng dressing room.

Tinitigan ako ni Julia ng matagal bago nagtititili. Napatakip ako agad ng tenga. Naku, mabuti nalang at nabawasan ang tao sa loob ng shop.

"Anna, grabi. Wag nang prinsesa, anghel ka nalang! Kasi, grabi, bagay sa iyo." May pagtalon pa ang paglapit niya sa akin at nakayuko niyang minata anh sinuot ko. "Sayang, nagtry ako niyan kanina pero hindi bumagay sa akin."

Tinignan ko siya at umiling. Salamat at sa unang palit palang ayos na, whew!

"Miss, kunin na po namin ang mga ito," sabi niya sa nagbabantay na saleslady sa amin. Mukhang naginhawaan ito dahil sino bang hindi mapapagod kung ang pagtitindahan mo ay mapili at halos suotin na lahat bago bumili?

Hinubad na namin ang mga gown at binigay sa saleslady. Pero bago pa namin marating ang counter ay may nakita nanaman si Julia.

Tinungo niya ang mga maskarang nakasabit sa pader. May pang buong mukha, pangkalahati at pang mata lang...

"Uy, Anna. Paano kung gawin kong masquerade ung party ko?" Mabagal at malapad ang ngiting tanong ni Julia sa akin.

Masquerade? Eh, bakit may ganoon pang trip?

"Party mo -"

"Sabagay! Sige, lika, pili ka na!" Agad niya akong hinila sa siko at pinatabi sa kanya ng hindi man lang ako tinitignan.

"Ito, try mo..." may inabot siyang puting maskara...

Simple lang naman siya. Walang glitters pero kumikinang.. posible naman un, di ba? Kasi ito, kumikinang. May tatlong nakasabit na parang jewelry sa kanang mata. Parang mga glass beads. At kung paano ito susuotin ay may mga earloop ito sa gilid. Iyong tipong pangsunglasses pero iikutin niya ang tenga? Ganun siya.

"Subukan mo, huwag mong titigan!" Napa atras pa ako. "Oo na."

Sinuot ko nga at umeksakto ito sa tenga ko. Ayos ah. Sumilip ako sa salamin. Kahit na mata lamang ang natatakpan ay parang hindi na ako makilala. Parang zorro, ah. Pero puti at galante hindi itim at tinali lang.

"Daya mo!" Binalingan ko si Julia. Naka pout siya sa akin. "Oh, bakit?"

"Kasi bagay siya sa angel dress mo, eh! Nyehh..." parang bata niyang saad. "Wala bang pumares sa pula mong gown?"

"Meron.. kaso mukha akong devil. Ikaw angel tapos ako, devil?" Tanong niya. Natawa tuloy ako at tinanggal ko ang maskara. "Hay naku, best friend. Ikaw ang magiging pinakamagandang demonyo na makikita nila. Isa kang prinsesang demonyita na kahuhumalingan ng mga kalalakihan sa party mo!"

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon