Pangalawang Yugto

20.5K 422 16
                                    

"Anak, bakit naman hindi mo sinabing gagabihin kayo ni Julia? Pinag-alala mo ako. Mabuti't gagabihin ang papa mo kaya hindi ka niya mapagsasabihan."

Nginitian ko si mama nang maupo siya sa hapagkainan. Kakalapag niya lang ng pagkain nang mapagsabihan niya ako.

"Pasensya na po, ma. Hindi na namin namalayang ginagabi na po pala kami."

Nginitian niya ako at hinaplos ang kamay ko. Nilagyan niya ng kanin ang plato ko at sinandukan ng ulam. "Kain ka na. Alam kong nakakagutom ang pagrereview," pagbibiro ni mama. Nagtawanan kami at hinayaan niya na akong kumain.

Nagkuwentuhan kami hanggang sa iniligpit ko na ang pinagkainan ko. Nagbulontaryo na akong maghugas ng pinggan para makaligo ng panggabi si mama.

Mahina akong kumakanta habang naghuhugas nang maramdaman ko ulit ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko magawang tumingin sa maliit na bintanang sa kanang bahagi ng lababo.

Takot man ay unti-unti akong tunimingin sa labas. Masyadong madilim para may makita ako. Ngunit magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihing may nakatingin sa akin. Parang nagkatinginan ang mga mata namin nang hindi sinasadya...

Nagsimulang manginig sa takot ang kamay ko nang biglang mawala ang kabog ng dibdib ko. Nawala. Nawalang parang bula. Nagulat ako sa biglang pagkalma ng puso ko pero ayokong magsawalang bahala.

"Aabutin ka pa ng siyam-siyam diyan kung nakatingin ka sa labas, anak."

Nagulat ako sa biglang pagsalita ni mama. Paglingon ko sa kanya ay nakasandal si mama sa pintuan ng kusina.

"Tapusin mo na nga 'yan, anak, at magpapalit ka pa. Mahuli ka pa ng tatay mo."

Nagpawala ako ng maikling tawa para mabura ang kaba sa dibdib ko. Umiling nalang si mama at umalis. Tinapos ko ng mabilisan ang hugasin ko at umakyat sa kuwarto ko para makapagpalit.

Iniwan ko sa mesa ang cellphone ko nang mapansin ko ang natanggap kong mensahe. Nagpalit nalang muna ako saka ko binalikan ito. Dalawa na ang natanggap ko.

(Napakaganda talaga ng ngiti mo. Sana mapangiti rin kita, Anna...)

(Nasasabik ako sa'yo, Anna... Sabik ako sa iyong boses na sa akin nakatuon)

Galing ang mga ito sa parehong numero na nagtext sa akin kanina. Nanlamig ang likod ko sa mga nabasa ko. Sa sobrang pagkataranta ay tinakbo ko ang bintana ko. Nadapa pa ako bago ko marating ang bintana. Kinalas ko sa pagkakatali ang mga kurtina para matakpan ang kuwarto ko.

Nag vibrate muli ang cellphone ko. Dahan dahan kong binuksan ang mensaheng natanggap ko. Laking ginhawa ko nang makitang si Julia lang ang nagtext.

(Anna, hindi kita masasabayan bukas, ha? Kasi dumating si papa. Siya na daw ang maghahatid sa akn. Pasensia na :'[ )

Bumagsak ang balikat ko. Ayokong pumasok mag-isa. Lalo pa't ganto ang takot na nararamdaman ko.

(Ah.. ayos lang, Julia. Alam ko namang namimiss mo na rin papa mo, 'di ba?)

(Salamat, Anna. Babawi ako sa pag-uwi =* labyu labuyo! Gud night =) )

(Sa'yo din, Julia.)

Umupo ako sa dulo ng kama ko. Kakayanin ko kayang pumasok mag-isa? Pumikit ako at marahang huminga. Kailangan kong kumalma.

Anna, kalma ka lang. Walang mangyayari sa'yo. Napaparanoid ka lang. 'Yon lang 'yon. Huwag ka nang mag-isip pa.

Bumuntong-hininga ako at saka inilapag ang cellphone ko sa kama ko bago kinalkal ang libro ko sa bag para makapagreview.

May kumatok sa pinto ko sa kalagitnaan ng pagrereview ko. Tumingin ako rito at pumasok si mama.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon