Yugto XLVI

3.7K 77 7
                                    

Dedicated to: bluebunny16

---------------

HIndi alam ni Alexander kung ano ang nasa kabilang bahagi ng pinto pero kung para kay Anna dapat handa siya. Dapat kaya niyang malagpasan.

Mabilis niyang binuksan ang pinto at saka nagtago.

Tama ang hinala niya, putok ng baril dumaan sa bukas na pinto.

Tumigil naman ito agad.

"MAs mabuti pang lumabas ka diyan."

AGad lumiyab ang galit sa dibdib ni Alexander nang marinig ang mayabang na boses ni Carlo/MArk.

"Pangako, patas na labanan ang gagawin natin."

Inihanda niya pa rin ang dalawang baril saka dahan dahan na lumantad. Hindi nga siya pinaputukan pero nakatutok naman sa kanya ang mga baril ng mga lalaking nakapaligid sa malawak na kuwarto.

Agad niyang nakita si Anna at ang ina nito na nakagapos sa mga upuan na parang trono. Si Carlo at ang ama nito ay naka-upo naman sa gilid nila.

NAkangisi si Carlo habang tinitignan ang lalaking duguan at pawisan.

"Ito ba ang pinagmamalaki mo, Anna? Isang mamamatay tao. Kita mo nga, may hawak siyang mga baril at duguan pa!" Tumawa ng tumawa si Carlo.

Tanga ba ito? Hindi mamamatay tao si Alexander. Lumaban siya para lang sa amin ng ina ko. Ang tunay na masama dito ay si MArk. At talagang ipinagmamalaki ko si Alexander. Walang hihigit sa kanya.

"At ikaw? ANong ipinagmamalaki mo? Nakatago ka lang naman sa mga baril ng mga tauhan mo. Wala ka kasing binatbat sa akin. Duwag ka!"

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Carlo sa sinabi ni Alexander.

"GAnun? Naghahamon ka ba?" Humigpit ang hawak ni Carlo sa gilid ng upuan niya at nagbabalak ng tumayo sa inis at galit.

"EH, kung oo? Aatras ka? BAkit, kasi duwag ka!"

"Ibaba niyo ang mga baril niyo! Ako ang haharap sa gagong ito!"

Ngumisi si Alexander saka unti unting gumilid.

Ibinaba ng mga tauhan ni CArlo ang mga baril nila pero minamanmanan pa rin siya. Si Carlo naman ay bumaba na ng 'trono' niya.

"Bakit hindi mo pa ako lapitan, hmm?" Nanlalaki ang mga mata ni Carlo at halatang galit na galit na ito.

"Bakit pa?"

Hindi na nakapag-isip si CArlo sa sinabi niya dahil pinaputukan ni Alexander si Carlo. Sapul sa ulo ang gago.

Agad nagpaputok ang mga tauhan ni CArlo at ang ama naman nito ay malakas na nagmura at tinungo si Anna.

Nakatago na si Alexander sa posteng malapit sa pintuan habang nakikiapgbarilan. Sinusubukan niyang barilin ang mga kalaban at hindi si Anna at ang ina nito.

"Teka lang!"

Bigla nanamang nanahimik ang mga baril ng kalaban sa sigaw ng ama ni Carlo.

"Kung gusto mo pang makasama ang babaeng ito lumabas kang tarantado ka! Pintay mo ang anak ko!"

Kumabog ang puso ni Alexander sa narinig. Hindi kaya?

Sumilip siya sa gilid ng poste at nakita si Anna na hawak ng ama ni Carlo. May kutsilyo na nagbabadyang manggilit ng leeg. "Itong babaeng ito ang nagpasira ng ulo ng anak ko. Ang dahilan ng kamatayan niya. Kung hindi siya mapupunta sa anak ko, puwes hindi siya mapupunta sa iyo!"

Hindi pa nasisimulan ni Alfonso na idaan ang kutsilyo sa leeg ni Anna nang may bumasag sa mataas na bintana sa likod ng trono.

Nabitawan ni Alfonso si Anna at bumagsak ang dalaga sa sahig. Nawalan ng malay ang dalaga at si Amanda naman ay nanlalaki ang mga mata. Hindi nga lang siya makagalaw sa kinalaglagyan niya.

ObsessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon