Dedicated to: @liahgarcia448
Salamat sa floodvotes
-----------
Napakalakas ng kabog ng dibdib ni Julia habang nakakapit sa kanyang seatbelt.
Ang bilis magpatakbo ni Alexander. Pakiramdam niya ay naiwan ang kanyang kaluluwa. Putlang putla ito at pasulyap sulyap sa nagmamaneho.
"Sa-sana naman ligtas pa tayong makarating sa pupuntahan mo!" Sambit ng dalaga dahil sa labis na takot.
Hindi na nga tinitigilan ni Alexander ang mga red lights, eh! Himala yatang walang nanghuhuli sa lalaking ito.
"Kapit ka lang. Gutay gutay man tayong makarating basta ba mahanap natin si Anna. At dapat agaran."
Parang mawawalan na ng malay itong dalaga dahil sa kaprankahan at kalakas ng tapang ng kanyang katabi.
Aba! Sana man lang nga'y mailigtas nila si Anna nang hindi napapahamak bago pa nila ito matagpuan!
Dumilim bigla sa paligid. Hindi dahil maggagabi na ngunit dahil napakasukal ng kanilang pinupuntahan.
Napakalayo na ng narating nila, ah!
"ba-bakit tayo narito?" Tanong ni Julia habang tinitiis ang pagyugyog ng sasakyan sa mga batong nadadaanan nito.
"..."
Hindi na nangulit si Julia. Ang sakit naman sa puwet!
sa pagpreno ng binata ay muntik sumubsob si Julia sa harap kung hindi lang ito nahila ng seatbelt.
Walang imik na lumabas ang nagmaneho at sinalubong ang grupo ng kalalakihan sa labas.
Nahihilo na tinanaw ni Julia ang grupo mula sa loob.
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa dami nang naguwaguwapuhang lalaki.
Nasa langit na ba ako?
Lumingon ang isa sa mga kalalakihan. Ngumiti si Julia pero hindi sumagot ang lalaki. Kinausap niya lang muli si Alexander at napalingon naman ang huli kay Julia.
May sinabi ito ngunit hindi narinig ng dalaga.
Lumapit iyong lalaki na tumingin kanina at saka binuksan ang pinto.
"Out."
Wala nang sinabi ang lalako at iniwang naka awang ang pinto upang labasan ni Julia.
Ang cold!
Pero umiling muli si Julia.
Mali, para kay Anna ito. Maya na muna landi.
Nagmadaling lumabas si Julia at siya na ang nagsara ng pinto.
"Faster."
Tumango tango ng mabilis si Julia at sinundan ang lalaki.
Tinungo nila ang bahay na nakatayo pala sa likod ng naglalakihang puno.
Halos hindi makilala ang bahay dahil nagmumukha na rin itong parte ng kagubatan...
Nang makapasok nama'y baliktad. Magara sa loob. Malinis at maliwanag. Paanong hindi nahahalata sa labas?
Itinuro ng lalaki ang isang kuwarto sa dulo ng bahay.
"Change your clothes."
Iyon lamang at binuksan niya ang pinto saka siya iniwan.
Iyon na ata ang pinakamahabang sinabi niya!
Umiling ang dalaga at pumasok.
Pulos mga blackleather ang narun. Pang spy kumbaga.
BINABASA MO ANG
Obsessed
RomansaAnna is just a simple college girl. But, she started feeling this ominous aura around her. Unknown to her the secrets of her past and the conflicts in the dark.